Tatlong restos sa Lamp Quarters sa Marikina, hahatulan sa 'Pop Talk'
POP TALK
LAMP QUARTERS FOOD CRAWL
Airing Date: MAY 12, 2018
#PopLampQuartersFoodCrawl

Ngayong Sabado, bisitahin natin ang isang bagong food hub sa kahabaan ng Gil Fernando Avenue sa Marikina na imbes na food stalls ay iba’t ibang stand-alone restos ang nasa compound nito. Pumili ang ‘Pop Talk’ ng tatlong restos na rerebyuhin para sa LAMP QUARTERS FOOD CRAWL. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?

Isasalang sa review ang: CHIVES BISTRO AND MARKET, MEHANA BULGARIAN RESTAURANT at TONGARA RAMEN. Kasama ng host na si Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang mga panauhing reviewer: ang chef at owner ng Ping Pong Diplomacy na si Chef Him Uy de Baron, ang Kapuso young actress na si Klea Pineda, at ang masuwerteng Pop Talk viewer-turned-reviewer na si Jessica Janel Nocos.
Pop Talk: Lamp Quarters Food Crawl sa May 12, 8PM sa GMA NewsTV.