ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tatlong indoor pasyalan, kikilatisin sa 'Pop Talk'


POP TALK
‘INDOOR PASYALAN’
Airing Date:  OCT 13, 2018
#PopIndoorPasyalan

Walang weekend na dapat sayangin; mas mabuting ilaan naman ito para sa quality bonding time. Kaya naman, pumili ang ‘Pop Talk’ ng tatlong indoor pasyalan na puwedeng puntahan ng buong pamilya at barkada kahit pa umuulan. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?

Isasalang sa review ang: PLAY AT OKADA MANILA sa Paranaque, ang BOUNCE PHILIPPINES sa Las Pinas, at ang FUN CITY sa Quezon City. Makakasama ng host na si Tonipet Gaba sa pagrereview: ang celebrity reviewer na napapanood sa ‘Sunday Pinasaya’ at isa ring full-time mom na si Lovely Abella, ang travel at food blogger sa loob ng 10 taon na si Jaey Silva, at ang veteran blogger sa loob ng 16 taon at isa ring daddy na si Azrael Coladilla.

‘Pop Talk: Indoor Pasyalan’ sa October 13, 8PM sa GMA NewsTV.

Tags: poptalk