ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents Alitaptap sa Dagat
REEL TIME presents ALITAPTAP SA DAGAT
Airing date: April 29, 2012 8:40 PM sa GMA News TV 

Dagat ang kanilang mistulang palaruan. Ang dilim, hindi nila kinakatakutan.
Gabi-gabi, imbes na nasa mga bahay na nila at nagpapahinga, sa dagat matatagpuan ang mga labing isang taong gulang na magkaibigang Izzy at Teban. Pakay nila ang mga lamang dagat na maaaring i-ulam at maibenta kinabukasan.
Pangingilaw ang taguri nila sa kanilang gawain kung saan bitbit ang mga maliliit na ilaw at
panghuling pana, nanghuhuli sila ng mga lamang dagat habang low tide o mababaw pa ang
dagat.
Hindi nila alintana ang lamig ng hangin at tubig maging ang banta ng mga alon, makatulong
lamang maitawid ang pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Sa
mumunti nilang mga pakpak, tila bigat na ng mundo ang kanilang pasan-pasan.
Oras na lamunin ng gabi ang karagatan, mistula silang mga alitaptap sa kadiliman. Tangan
ang kanilang mga ilaw na malamlam, hangad nilang maibsan ang sikmurang kumakalam.
Tunghayan ang kwento ng mga Alitaptap sa Dagat ngayong April 29, Linggo, 8:40 ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular