ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Burdado: First ‘Reel Time’ photo-documentary about tattoos
REEL TIME Burdado Airing Date: August 19, 2012
Tulad ng mga litrato, nagsisilbing alaala ng mahahalagang panahon sa buhay ng isang tao ang tattoo. Sa kauna-unahang pagkakataon, kasama ang ilang mga photojournalists, nilikha ng nangungunang programa ng GMA News TV -- Reel Time -- ang isang dokumentaryo gamit lamang ang mga litrato. Halos 15,000 na litrato ang matutunghayan sa espesyal na dokumentaryong ‘Burdado’ ang kuwento ng tattoo ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang komunidad. Ang mga Manobo ng Arakan Sa isang barangay sa Arakan, North Cotabato, nababahala ang mga nakatatanda ng isang tribong Manobo dahil nanganganib na raw maglaho ang kanilang sinaunang tradisyon ng pang−o−túb o pagta-tattoo. Sa mga markang ito, nakikilala sila bilang katutubong Manobo. Sa kanilang paniniwala, tila agimat ang kanilang tattoo na nagbibigay lakas sa katawan, at nagsisilbing ilaw ng kanilang yumao. Isang pinuno ng katutubo si Datu Baguio. Isinusulong niya ang pagpapatuloy ng mga tradisyon ng tribo kahit pa nagpakamatay na ang isa sa kanyang mga anak dahil sa ayaw na nito ang buhay katutubo. Subalit sa isang ritwal at pagpapalagay ng pang−o−túb, buong-pusong tinanggap naman ng isa pa niyang anak ang mga sinaunang tradisyon ng kanilang tribo. Ang mga Preso sa Bilibid Mahigpit umanong ipinagbabawal ang tattoo sa New Bilibid Prison, pero tulad ng ibang mga preso, burdado ang katawan ni Jojo. Nakuha niya ang kanyang unang gang tattoo noong sampung taong gulang pa lang siya. Magmula noon, isang magulong buhay ang kanyang dinanas hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa Bilibid. Matapos ang 17 taon sa loob, naisipan niyang kaya pa niyang baguhin ang takbo ng kaniyang buhay. Sa napapalapit na araw ng kanyang paglaya, nagdesisyon siyang mag-aral sa loob ng kulungan. Bilang simbolo ng kanyang pagbabago, ipinabura niya ang tatak ng kanyang gang. Ang Rockstar at Ang Tattoo Artist Bilang isang sikat na musikero, tila mahahalagang ritwal kay Dong Abay ang pagta-tattoo ng iba’t ibang imaheng Pilipino sa kanyang balat. Ilang araw bago siya lumipad upang dalhin ang kanyang musika sa ibang bansa, mamarkahan niya ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng isang tattoo. Si Dyani Lao ang unang nag-tattoo kay Dong Abay. Nagtapos si Dyani sa UP Fine Arts at nagsimulang magtattoo sa murang edad. Madalas, ang ginagamit niyang mga imahe sa kanyang tattoo ay mula sa mitolohiya, paniniwala, at kuwentong bayan ng mga Pilipino. Pangarap niyang i-angat ang sining ng pagtattoo sa Pilipinas. At sa kauna-unahang pagkakataon, sa halip na iukit sa balat, ipapakita ni Dyani ang kanyang natatanging sining sa mga dingding ng isang gallery. May tattoo ka man o wala, huwag kaligtaang panoorin ang natatangi at makasaysayang photo-documentary ng Reel Time ngayong Linggo alas 8:45 ng gabi, August 19, sa nangungunang documentary channel sa Pilipinas, ang GMA News TV. Sundan ang Reel Time sa Facebook at sa Twitter!
ANG KAUNA-UNAHANG PHOTO-DOCUMENTARY SA TELEBISYON: BURDADO (Mapapanood Ngayong Linggo sa Reel Time, 8:45 ng gabi sa GMA NEWS TV)
Tulad ng mga litrato, nagsisilbing alaala ng mahahalagang panahon sa buhay ng isang tao ang tattoo. Sa kauna-unahang pagkakataon, kasama ang ilang mga photojournalists, nilikha ng nangungunang programa ng GMA News TV -- Reel Time -- ang isang dokumentaryo gamit lamang ang mga litrato. Halos 15,000 na litrato ang matutunghayan sa espesyal na dokumentaryong ‘Burdado’ ang kuwento ng tattoo ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang komunidad. Ang mga Manobo ng Arakan Sa isang barangay sa Arakan, North Cotabato, nababahala ang mga nakatatanda ng isang tribong Manobo dahil nanganganib na raw maglaho ang kanilang sinaunang tradisyon ng pang−o−túb o pagta-tattoo. Sa mga markang ito, nakikilala sila bilang katutubong Manobo. Sa kanilang paniniwala, tila agimat ang kanilang tattoo na nagbibigay lakas sa katawan, at nagsisilbing ilaw ng kanilang yumao. Isang pinuno ng katutubo si Datu Baguio. Isinusulong niya ang pagpapatuloy ng mga tradisyon ng tribo kahit pa nagpakamatay na ang isa sa kanyang mga anak dahil sa ayaw na nito ang buhay katutubo. Subalit sa isang ritwal at pagpapalagay ng pang−o−túb, buong-pusong tinanggap naman ng isa pa niyang anak ang mga sinaunang tradisyon ng kanilang tribo. Ang mga Preso sa Bilibid Mahigpit umanong ipinagbabawal ang tattoo sa New Bilibid Prison, pero tulad ng ibang mga preso, burdado ang katawan ni Jojo. Nakuha niya ang kanyang unang gang tattoo noong sampung taong gulang pa lang siya. Magmula noon, isang magulong buhay ang kanyang dinanas hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa Bilibid. Matapos ang 17 taon sa loob, naisipan niyang kaya pa niyang baguhin ang takbo ng kaniyang buhay. Sa napapalapit na araw ng kanyang paglaya, nagdesisyon siyang mag-aral sa loob ng kulungan. Bilang simbolo ng kanyang pagbabago, ipinabura niya ang tatak ng kanyang gang. Ang Rockstar at Ang Tattoo Artist Bilang isang sikat na musikero, tila mahahalagang ritwal kay Dong Abay ang pagta-tattoo ng iba’t ibang imaheng Pilipino sa kanyang balat. Ilang araw bago siya lumipad upang dalhin ang kanyang musika sa ibang bansa, mamarkahan niya ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng isang tattoo. Si Dyani Lao ang unang nag-tattoo kay Dong Abay. Nagtapos si Dyani sa UP Fine Arts at nagsimulang magtattoo sa murang edad. Madalas, ang ginagamit niyang mga imahe sa kanyang tattoo ay mula sa mitolohiya, paniniwala, at kuwentong bayan ng mga Pilipino. Pangarap niyang i-angat ang sining ng pagtattoo sa Pilipinas. At sa kauna-unahang pagkakataon, sa halip na iukit sa balat, ipapakita ni Dyani ang kanyang natatanging sining sa mga dingding ng isang gallery. May tattoo ka man o wala, huwag kaligtaang panoorin ang natatangi at makasaysayang photo-documentary ng Reel Time ngayong Linggo alas 8:45 ng gabi, August 19, sa nangungunang documentary channel sa Pilipinas, ang GMA News TV. Sundan ang Reel Time sa Facebook at sa Twitter! More Videos
Most Popular