ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents 'Hindi Kami Bumbay'
REEL TIME: HINDI KAMI BUMBAY Airing date: February 17, 2013
Turban. Balbas. Motorsiklo. 5-6. Kapag sinabing “Bumbay”, iyan kaagad ang ating naiisip. Pero sino nga ba ang Bumbay? At ano ang ginagawa nila sa ating bansa? Dumating sa Pilipinas mula India ang tatay ni Harman Grewal noong 1978. Ni isang salitang Tagalog, walang siyang alam--- natuto na lamang noong siya ay nagsimulang mag-5-6. Walang makapagsabi kung saan at paano nagkaroon ng 5-6 sa Pilipinas. Ang malinaw, kahit 5-6 ang siyang nagtaguyod sa kanilang pamilya, gusto nang talikuran ni Harman ang negosyong ito. Para naman kay Baljar Singh, ang 5-6 ang siyang daan para sa mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. At tunay ngang maganda para sa kanya ang pagtira dito sa bansa: dito niya nakilala ang kanyang Pilipinang asawa, at dito niya nakikitang mananatili kasama ng asawa’t dalawang anak. Kahit na marami sa kanilang mga kababayan ang nahoholdap at nalalagay sa panganib sa Pilipinas, ito na ang itinuturing niyang tahanan. Kilalanin silang hindi mga Bumbay, ngayong Linggo, 8:45pm sa Reel Time, GMA News TV!
Turban. Balbas. Motorsiklo. 5-6. Kapag sinabing “Bumbay”, iyan kaagad ang ating naiisip. Pero sino nga ba ang Bumbay? At ano ang ginagawa nila sa ating bansa? Dumating sa Pilipinas mula India ang tatay ni Harman Grewal noong 1978. Ni isang salitang Tagalog, walang siyang alam--- natuto na lamang noong siya ay nagsimulang mag-5-6. Walang makapagsabi kung saan at paano nagkaroon ng 5-6 sa Pilipinas. Ang malinaw, kahit 5-6 ang siyang nagtaguyod sa kanilang pamilya, gusto nang talikuran ni Harman ang negosyong ito. Para naman kay Baljar Singh, ang 5-6 ang siyang daan para sa mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. At tunay ngang maganda para sa kanya ang pagtira dito sa bansa: dito niya nakilala ang kanyang Pilipinang asawa, at dito niya nakikitang mananatili kasama ng asawa’t dalawang anak. Kahit na marami sa kanilang mga kababayan ang nahoholdap at nalalagay sa panganib sa Pilipinas, ito na ang itinuturing niyang tahanan. Kilalanin silang hindi mga Bumbay, ngayong Linggo, 8:45pm sa Reel Time, GMA News TV!More Videos
Most Popular