Reel Time presents: Madre de Amor
Kilalang-kilala na raw ni Daphne ang mukha ni Kamatayan.
Parte raw kasi ng kanyang 12 taong pagvo-volunteer sa Madre de Amor Hospice Foundation ang pagtulong sa mga pasyenteng terminally ill o may taning na.
Isa lang si Daphne sa 40 volunteers ng Madre de Amor sa Laguna, isang hospice facility. Sa pamamagitan ng mga volunteer, naiibsan ang kirot at sakit na nararamdaman ng mga pasyente. Sila rin ang tumutulong sa mga ito na tanggapin ang kanilang sitwasyon at ihanda ang kanilang mga sarili sa dapithapon ng kanilang buhay.
Pero sa kabila ng kanyang karanasan, sapat kaya ito para ihanda siyang makaharap muli si Kamatayan sa mukha ng kanyang mahal sa buhay?
Ngayong Linggo, kilalanin natin si Daphne at ang iba pa niyang mga kasamahang hospice volunteer sa “Madre de Amor,” ang espesyal na handog ng Reel Time ngayong araw ng mga Ina, 8:45 ng gabi sa GMA News TV.