ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Reel Time presents: Nasaan si Nanay?
REEL TIME
NASAAN SI NANAY
Airing date: June 23, 2013, 8:45 PM

Sa ngayon, may batas na na nagbibigay-proteksiyon sa mga solo parent, ang RA 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000, pero ayon sa mga magulang, hindi sapat ang mga probisyon ng batas na ito. Kaya isinusulong nila ang House Bill 6184 na humihiling ng pag-amyenda sa RA 8972. Ilan sa mga pagbabagong isinusulong ang pagkakaroon ng 10% discount sa damit ng mga sanggol hanggang 2 anyos na bata, 5% discount sa gatas, pagkain, at food supplement ng mga sanggol hanggang 2 anyos na bata, at 15% discount sa mga gamot ng mga batang limang taon pababa.
Ang HB 6184 ay naipasa na sa Mababang Kapulungan noong isang taon kaya inilalakad na maipasa na rin ito sa Senado ngayong taon.
NASAAN SI NANAY
Airing date: June 23, 2013, 8:45 PM

Ilang araw nang walang ilaw ang bahay ni Gerald at ng kaniyang mga anak. Napundi kasi ang kanilang bumbilya kaya ang ikinabit na cellphone sa kisame muna ang nagsisilbing liwanag sa kanilang bahay kapag gabi. Hindi pa siya makabili ng bumbilya dahil wala ito sa kaniyang budget. May utang pa rin kasing mahigit isang libong piso si Gerald na ginamit naman niya sa pagpapagamot ng mata ng kaniyang bunsong anak. Upang mabuno ang pambayad sa utang at ang mga pangangailangan sa araw-araw, magdamag na pumapasada si Gerald.
Ang lahat ng ito, mag-isa niyang hinaharap. Pitong buwan na kasi mula nang iwan si Gerald ng kaniyang asawa. Kaya naman siya ngayon ang tumatayong ina at ama sa kaniyang walo, lima, at dalawang taong gulang na anak. Hindi raw alintana ni Gerald ang kulturang mga babae lang ang dapat na gumagawa sa loob ng bahay. Siya ang nag-aasikaso sa mga bata, naglalaba, nagluluto, at namamalengke.
Isa lamang si Gerald sa may libu-libong ama sa Pilipinas na hindi na ikinakahiyang maging single dad. Wala man daw ang ina na siya sanang ilaw ng tahanan, hindi ito magiging dahilan upang tuluyang maging madilim ang kanilang kinabukasan.
Ang mga solo parent ay tinatayang bumubuo sa may 14-15% ng populasyon ng Pilipinas. Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, ang mga solo parent ay isa sa mga pinaka-disadvantaged at vulnerable na sektor ng lipunan.
Sa ngayon, may batas na na nagbibigay-proteksiyon sa mga solo parent, ang RA 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000, pero ayon sa mga magulang, hindi sapat ang mga probisyon ng batas na ito. Kaya isinusulong nila ang House Bill 6184 na humihiling ng pag-amyenda sa RA 8972. Ilan sa mga pagbabagong isinusulong ang pagkakaroon ng 10% discount sa damit ng mga sanggol hanggang 2 anyos na bata, 5% discount sa gatas, pagkain, at food supplement ng mga sanggol hanggang 2 anyos na bata, at 15% discount sa mga gamot ng mga batang limang taon pababa.
Ang HB 6184 ay naipasa na sa Mababang Kapulungan noong isang taon kaya inilalakad na maipasa na rin ito sa Senado ngayong taon.
Tunghayan ang kuwento ng mga solo parent katulad ni Gerald sa Reel Time: Nasaan si Nanay, Linggo, Hunyo 23, 8:45 ng gabi sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular