ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents Pag-Uli (Pag-uwi)
Airing date: November 24, 2013/9 PM

Noong nakaraang linggo, ipinakalat ang post na ito sa social media kung saan ipinapakita ang isang matandang taxi driver na mugto ang mata. Panawagan ng nag-post, matulungan sana si Tatay Ricardo.
Araw-gabi kasi, walang patid na pumapasada si Tatay Ricardo, makaipon lamang ng pamasahe para makasakay ng bus pauwi sa kanilang probinsiya. Isang linggo na kasi ang dumaan, hindi pa rin nakakausap ni Tatay Ricardo ang kanyang anak at asawa. Ang kanyang mag-ina, nasa Tacloban, Leyte nang manalanta ang bagyong Yolanda.

Delubyo kung ilarawan ng karamihan ang pananalanta ng isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Pinadapa at binura ang mga kabahayan at kabuhayan na kanyang dinaanan. Sa kasalukuyan, umaabot na sa humigit kumulang apat na libo ang bilang ng mga nasawi kay Yolanda.
Maraming pamilya ang pinaghiwalay, maraming kinitil na buhay. At umaasang si Tatay Ricardo na hindi kabilang dito ang mga mahal niya sa buhay. Para kay Tatay Ricardo, sila ay muling uuwi.

May mga tutugon kaya sa panawagan na tulong para kay Tatay Ricardo? Kailan sila muling magtatagpo?
Ganito rin ang katanungan ni Lola Herminia, isa sa mga masuwerteng nakaligtas mula sa hagupit ng bagyo. Kasama niya ang kanyang pitong taong gulang na apo na si Tyrone. Tatlong buwan pa lamang si Tyrone, naulila na siya sa ina at iniwan na siya ng kanyang ama kay Lola Herminia nang magkaroon ito ng bagong pamilya. Ngayong winasak ng bagyo ang kanilang bahay at mga buhay, hangad nilang takasan ang Tacloban. Saan sila pupunta? Saan sila uuwi? Sa paglalakbay nila, muli kayang pagtagpuin ng trahedya ang mag-ama?
Ngayong Linggo, pagsapit ng alas-9 ng gabi sa GMA News TV itatanghal ng Reel Time, ang mga kuwento ng paghahanap at pagtatagpo, pagbagsak at pagbangon, mga kuwento ng pag-asa at damayan. Inihahandog ng Reel Time ang “PAG ULI”.

More Videos
Most Popular