ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Reel Time' presents 'Dungkoy'


Reel Time
DUNGKOY
Airing Date: Dec. 14, 2013
9:00 PM, GMA News TV




Sino si Dungkoy?

Palaisipan para sa isang komunidad sa Calauan, Laguna ang kwento ng isang 10 taong gulang na bata na may pambihirang responsibilidad sa buhay. Si Dungkoy ang nag-aalaga at bumubuhay sa kanyang paralisadong Lola Nonita. Sa murang edad ni Dungkoy, imbis na nakikipaglaro siya sa ibang mga bata sa kalsada, si Dungkoy mismo ang nagpapakain at nagpapaligo sa kanyang 50 anyos na lola.

Hindi tulad ng ibang mga bata na sangkatutak ang mga laruan sa bahay, si Dungkoy ay kuntento na sa kanyang libro na Alamat ng Ampalaya. Paulit ulit niya itong binabasa kahit halos mapunit na ang mga pahina nito. Hindi nakatungtong ng paaralan si Dungkoy pero marunong siyang magbasa.

Walang makapagsabi kung bakit iniwan si Dungkoy ng kanyang pamilya. Ang tanging tao na makapagpapaliwanag sana ng lahat kay Dungkoy ay si Lola Nonita na nagpalaki sa kanya ngunit ngayon ay hindi na makapagsalita dahil sa kanyang paralisadong katawan. Tanging pag-ungol lang ang kayang sambitin ng lola ni Dungkoy pero nagkakaintindihan silang dalawa. Si Dungkoy lang din ang bukod tanging nakakapagpakalma sa matanda sa tuwing sinusumpong ito.

Mabigat man ang mundo para kay Dungkoy, patuloy niyang pinagsisilbihan at inaalagaan ang kanyang Lola Nonita na walang hinihintay na kapalit.

Mapapanood ang maagang pamaskong handog ng Reel Time presents DUNGKOY ngayong December 15, Linggo, alas 9 ng gabi sa Number 1 news channel sa bansa--- GMA News TV Channel 11.
Tags: plug, dungkoy