Reel Time presents: "Kailangang umalis para makabalik"
Reel Time
Kailangang Umalis Para Makabalik
Airing date: February 2, 2014
8 PM, GMA News TV-11
Ang buhay ay puno ng kabalintunaan. Para makilala natin ang ating sarili, kailangan nating mawala. Para makita ang kabutihan ng isang tao, kailangang makita rin siya sa kanyang pinakamasamang kalagayan. Para makabalik, kailangan munang umalis. At para sa Multimedia Artist na si Jazel Kristin, naranasan na niyang lahat ang mga ito sa pangarap niyang siyudad sa mundo—ang Paris, France. At sa paglalakbay na ito, kasama rin niya ang kanyang ama na may pinakamalaking impluwensiya sa kanya.
Bata pa lang si Jazel, nahumaling na agad siya sa mga bagay na may kinalaman sa Paris. Nagsilbing inspirasyon ang lugar na ito para pag-ibayuhin pa niya ang kanyang sining. Hindi naglaon, nakamit ni Jazel ang prestihiyosong Cite Internationale Des Arts residency sa kabisera ng Pransiya. At dahil sa pag-aaral at pagdadalubhasa niya rito, nakapag-exhibit na rin siya sa iba’t-ibang parte ng Pransiya.
Puno rin daw ng kabalintunaan ang sining ni Jazel. Mga collage ito ng sari-saring imahe na galing sa koleksiyon ng mga litratong kuha niya sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Pinagsasama-sama ni Jazel ang mga imaheng ito para makalikha ng isang natatanging larawan ng isang mundong siksik ng iba’t-ibang kultura.
Sa pinaka huling biyahe ni Jazel sa Pransiya, naisama niya ang kanyang ama na dating photographer sa isang telebisyon. Dahil sa potograpiya, napag-aral ng kanyang ama ang kanyang sarili at naitaguyod ang kanyang buong pamilya. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti ring kumupas ang interes ng kanyang ama sa potograpiya. Sa pag-aasam ni Jazel na mabuhayang muli ang sining ng kanyang ama, isama niya ito sa Paris at dinala sa iba’t-ibang parte ng Europa.
Sa isang natatanging dokumentaryong “Kailangang Umalis Para Makabalik”, sa panulat at direksiyon ni Jazel Villamarin, matutunghayan kung paano hahanapang muli ng tamis ng isang ama ang kanyang pumapait na relasyon sa kanyang kamera. Ano ang kahihinatnan ng paglalakbay na ito ng mag-amang litratista sa Europa na nababalot ng niyebe?
Tunghayan ang Reel Time presents “Kailangang Umalis Para Makabalik” ngayong Lingo, alas-8 ng gabi sa number one news channel sa bansa—GMA News TV Channel 11.
(English version)
Life is filled with paradoxes. To truly know yourself, at some point, you need to lose yourself. To see the best in someone, you need to see first that person at his or her worst. To be able to go back, you must first take your leave. All these paradoxes, Multimedia Artist Jazel Kristin has chosen to live as she revisits the city of her dreams, none other than Paris, with her father, whom she considers as her greatest influence.
As a child, Jazel has been enamored with all things Parisian—a passion that now fuels her desire to create art. During her several sojourns to the French capital, Jazel has landed a residency at the prestigious Cité internationale des arts, and has mounted exhibits throughout France.
Her art, itself, is a paradox—cut-out elements from various photographs she has captured, not only in France, but also in her homeland, as well as other parts of the world, juxtaposed to create a whole picture. Each artwork is a harmonious universe crafted from various, even seemingly opposite cultures.
In her latest trip to Paris, she brings her father, a former photographer of a television network. His photography had paid for his own studies, and eventually allowed him to provide for his family. But as the years passed, his interest in photography had faded. To infuse him with renewed creativity, Jazel decides to treat him to a European escapade—to discover with him new sights and cultures, and to show him the Paris that she loves.
In a touching documentary that Jazel Kristin shot, wrote, and edited, viewers will witness the story of not only a man reviving a dying passion, but also of a father reconnecting with his headstrong daughter, who, in turn, is also struggling to meld her childhood fantasies and life goals.
Come along in this journey of all things paradoxical in this week's Reel Time, Sunday, 8 PM on GMA News TV.