ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Reel Time' presents: 'Prom D City'
REEL TIME presents PROM D CITY
March 16, 2014
8:00 PM
8:00 PM

Kayanin kaya ng isang dayuhang lumaki sa karangyaan ang mamuhay nang simple at malayo sa siyudad?
Si Ike Stranathan ay tubong Kansas, USA at lumaki sa isang mayamang pamilya. Nagpunta siya sa Pilipinas taong 2009 upang magnegosyo. Sa halos limang taon niya sa bansa, umikot ang buhay niya sa siyudad ng Makati kung saan nakabase ang kaniyang kumpanya. Nakatira siya sa isang condominium unit kasama ng isang kasambahay. Binata si Ike sa edad na 38 kaya naman bukod sa negosyo, ang pamamasyal sa loob at labas ng Pilipinas at ang paglabas kasama ng mga kaibigan ang mga pinagkakaabalahan niya. Laman si Ike ng mga malalaking party at social events sa Makati at Taguig.
Ang pamumuhay ni Ike ay tipikal na eksena ng mga may kayang expats o expatriates na nasa bansa. Sa kasalukuyan, halos 200,000 dayuhan ang nakatira sa Pilipinas. Sa bawat sampung foreigner, tatlo ang nasa NCR. At patuloy raw ang pagdami ng kanilang bilang dahil sa paglago ng outsourcing businesses sa bansa, tulad ng negosyo ni Ike.
Ang nakagisnang buhay ni Ike, kabaligtaran ng pamumuhay ng mag-asawang Gloria at Joufre Dacayo. Magsasaka ang kanilang pamilya at hanggang ngayon, pagsasaka ang ipinambubuhay ng mag-asawa sa kanilang limang anak. Nakatira ang mag-asawa sa paanan ng bundok malapit sa ilog ng Sta. Fe na dating natabunan ng lahar mula sa pagputok ng Mt. Pinatubo. Walang kuryente, walang banyo. Gulay mula sa kanilang mga tanim ang lagi nilang handa sa hapag. Madaling araw pa lang, abala na ang mag-asawa sa pag-aasikaso ng bukirin at ng kanilang mga anak. Buong buhay nila, nakatutok sa bukid at pagsasaka.
Sa isang bihirang pagkakataon, maninirahan si Ike kasama ng pamilya Dacayo. Susubukan niyang magtrabaho sa bukid at mamuhay nang simple. Sa loob ng limang araw na pamumuhay sa bukid, ilang bagay ang matutuklasan ni Ike na hindi raw niya inakala tungkol sa mga Pilipino at sa kaniyang sarili.
Makigulo ngayong Linggo, ika-16 ng Marso, sa ganap na ika-8 ng gabi sa Reel Time presents Prom D City.
Tags: plug
More Videos
Most Popular