ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Inihahandog ng 'Reel Time': 'Kabilin-bilinan ng lola'
AIRING DATE: March 23, 2014
AIRING TIME: 8:00 PM

May gatas pa sila sa labi. Pero may alak na sa dugo nila.
Hindi raw inuming pangbata ang alkohol at serbesa. Pero ang mga menor de edad na magbabarkada sa Lupang Pangako, Payatas, Lungsod ng Quezon, halos araw-araw kung tumoma. Umuuwi silang may amats at may hangover pa kapag gumigising sa umaga.
Mistulang kuya sa kanilang tropa ang labing-apat na taong gulang na si "Tolits", na natuto raw uminom noong siya’y walong taong gulang pa lang. Bunso naman nila si "Jomari", siyam na taong gulang pero sunog-baga na! Nakasasabay rin sa tagay ang labinglimang taong gulang na si "Gladys", ang kaisa-isang babae sa grupo nila.
Halos pare-pareho ang dahilan ng pitong magbabarkada kung bakit sila umiinom sa murang edad nila – impluwensya ng barkada. At nag-iiba raw ang mundo kapag sumisipa na ang espiritu ng alak sa kanila.
Nahihilo. Nasusuka. Gumegewang-gawang sa paglalakad. Natutumba. Pangkaraniwan nang nakikita tuwing senglot na ang magbabarkada.
Pero ang labingdalawang taong gulang nilang barkada na si "Aries", gusto na raw sundin ang payo ng "Lola Belen" niya. Lumayo na raw sila sa bisyo habang bata pa.
Sundin kaya nila ang bilin ni lola?
KABILIN-BILINAN NG LOLA, ang dokyung malakas ang amats handog ng Reel Time ngayong Linggo ng gabi, 8PM sa GMA NewsTV Channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular