ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Nawawalang recipe ng mga datu at prinsesa, hahanapin sa 'Reel Time'


 

Salamin ng tradisyon at paniniwala ng isang bayan ang mga pagkaing inihahain sa kanilang mesa. Kaya naman kung mabubura sa alaala ang mga nakaugaliang panlasa, unti-unti ring kumukupas ang taglay nilang kultura. May mga pagkain kasing hindi lang basta masarap na panlamang-tiyan, kundi bahagi rin ng makulay na kasaysayan.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, hindi nawawala sa mga mahahalagang okasyon ang pagluluto ng putaheng tinatawag na "linilot." Inihahain ito ng ating mga ninuno, lalong-lalo na sa mga respetadong namumuno tulad ng mga prinsesa, sultan at mga datu. "Pagkain ng mga dugong bughaw" kung ituring ang linilot.

Pero ngayon, tila nabaon na nga sa limot ang pagluluto ng linilot. Kahit kasi ang mga tribong dati nang naghahain nito, mistulang sinangkutsa na ng modernong panahon ang mga kaugalian at paniniwala. Kasama nang nabubura ang tradisyonal na paraan ng paghahanda nila ng pagkain. Mahanap pa nga kaya ang resipi nito o tuluyan nang inagos ng panahon ang putaheng para lamang noon sa mga may posisyon sa lipunan?

Huwag kayong mawawala, dahil imbitado ang lahat sa salo-salo nating paghahanap sa "Ang Nawawalang Recipe," 9 PM sa "Reel Time" pagkatapos ng Kings of Restoration.

Tags: prstory