ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pinoy preppers, kilalanin sa 'Reel Time'


 

REEL TIME: PINOY PREPPERS
 
Bagyo, lindol, at iba pang sakuna. Sa oras na dumating sa iyo ang mga pagkakataong ito, handa ka ba? Sila oo.
 
Sila ang Pinoy Preppers, mga taong naghahanda sa mga masasamang pangyayari bago pa man ito maganap.
 
Ano ang mga kailangan nating palaging dala, bago pa man dumating ang mga sakuna? Ano ang mga tool and gadget na makatutulong sa atin sa oras ng kagipitan? Ano ang mga kaalaman na dapat nating malaman para maka-survive sa unang mga araw, habang naghihintay ng rescue o habang hinihintay na umayos ang sitwasyon?
 
Kilalanin ang  mga Pinoy Preppers, mula sa hard core na halos bitbit na ang buong cabinet at ready para sa lahat, hanggang sa simpleng pamilya na tinuturuan ang kanilang anak paano mag-prepara. Alamin din kung ano ang “Grey Man Concept”, ang mga taong laging handa pero hindi lang halata.
 
Sa huli, dadalo tayo sa isang Preppers Convention para matuklasan kung gaano na nga ba kalaki ang Prepping community sa Maynila. ano ang mga latest technology, gadgets and technique para makaligtas o makaiwas sa sakuna?
 
Abangan ang Pinoy Preppers sa Reel Time, Sabado 9:15pm sa GMA News TV