Pagpapagamot sa mga albularyo, tampok sa 'Reel Time'

REEL TIME PRESENTS THE CURE
Mayroong pumapatay sa mga Pilipino. Taun-taon, dumarami ang nagiging biktima nito. Wala itong oras o araw na pinipili. Walang edad o kasariang pinapalagpas. Walang kamalay-malay ang mga biktima na unti-unti nasilang binabawian ng buhay.
Pero may pagkakapareho ang mga biktima --- wala silang pera at kulang sa edukasyon.
Anim sa bawat sampung Pilipino ang namamatay nang hindi nakakakita ng doktor. Ikinababahala ng mga medical at health industry leader sa buong bansa ang patuloy napagtaas ng bilang mga may sakit na Pilipino. Ito ay sanhiumano ng mababang antas ng health literacy sa bansa. Ayon sa tala ng IBON Foundation, nasa 88% ng mgaPilipino ang nasa below poverty line. Hindi nakapagtatakakung bakit marami sa mga Pilipino ang walangkakayahang magpagamot sa ospital o bumili man lang ng medisina.
Bagama’t libre ang pagpapakonsulta sa mga publikong ospital, marami sa mga Pilipino ang hindi kaya ang presyong gamutan at pagpapaospital. Kaya naman sa kabila ng modernisasyon at impluwensiya ng Kanluran, marami pa ring mga Pilipino ang umaasa sa mga albularyo upanggamutin ang kanilang mga karamdaman.
Ngayong Sabado, kilalanin natin ang mga kababayannating kumakapit sa kakaunting pag-asa na sila ay makahanap ng lunas sa tradisyunal na pamamaraan saReel Time Presents The Cure, 9:15 ng gabi sa GMA News TV.