ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Recipe ng Kilawin ala Lapu-Lapu
Dahil malapit sa baybayin, mga lamang-dagat ang maaring madalas ihain sa mga piging noong panahon nina Lapu-Lapu. Ito ang recipe ng isang putaheng maaring pinagsaluhan nila noon, ang kilawin:
KILAWIN
Mga sangkap:
- Tanigue
- Suka ng niyog
- Luya
- Kamatis
- Sibuyas
- Lemonsito/kalamansi
- Dahon ng sibuyas
- Sili
Paraan ng pagluluto:
- Linisin ang tanigue, alisin ang mga tinik at hiwa-hiwain sa maliliit ng piraso.
- Ibabad sa suka ng niyog kasama ang tinadtad na luya, kamatis, sibuyas, katas ng kalamansi, dahon ng sibuyas at sili.
- Kapag kulay puti na ang isda, maaari na itong ihain.
More Videos
Most Popular