ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Recipe ng Pochero ala Plaridel
Sa librong Kasaysayan ng Kaluto ng Bayan ng food historian na si Milagros Enriquez, nabanggit na isa raw sa paboritong pagkain ng bayaning si Marcelo H. del Pilar ang kumpletos rekados at mabusising ihanda na pochero. Ito ang bersyon ng mga Pilipino ng Cocido o Spanish stew. Ito ang recipe ng Pochero ala Plaridel:
POCHERO ALA PLARIDEL Mga sangkap:
POCHERO ALA PLARIDEL Mga sangkap: - Beef shank
- Karne ng baboy
- Chorizo de bilbao
- Garbanzos
- Pechay Tagalog
- Kamote
- Saging na saba
- Repolyo
- Paminta
- Asin
- Asukal na pula
Paraan ng pagluluto:
- Gamit ang isang malaking palayok, babanlian muna ang mga gulay.
- Sa isang kawali, iprito ang saging at kamote at saka isantabi.
- Sa hiwalay na kaldero, pakuluan ang mga karne ng baboy at baka hanggang lumambot ang mga ito. Kapag malambot na ang mga karne, isantabi muna ang mga ito.
- Sa kawali, igisa ang sangkatutak na kamatis saka isama ang pinalambot na karne ng baka at baboy. Idagdag din ang chorizo at garbanzos.
- Timplahan ng mga pampalasa tulad ng paminta, asin at asukal na pula.
- Pakuluin ang rekado hanggang kusang magkasabaw.
- Kapag luto na ang mga karne, saka lang isasama ang mga gulay na pechay, repolyo, saging at kamote.
Tags: webexclusive, pochero
More Videos
Most Popular