Kilalanin si Coach Rajko Toroman at ang Philippine Punishers sa Sports Pilipinas
Isa na namang maaksyong episode ng Sports Pilipinas ang naghihintay para sa inyo ngayong Linggo, mga Kapuso! Sari-saring sports at adventures na naman ang aming hatid, mula basketball hanggang ultralight flying! ONE-ON-ONE: RAJKO TOROMAN
Isang Serbian national na ginabayan ang Philippine National Team nang higit sa dalawang taon. Si Coach Rajko Toroman ang naka-one-on-one ni Chino Trinidad tungkol sa karanasan niya kasama ng Team Gilas, at ang kanyang pagiging head coach ngayon sa PBA. PHILIPPINE PUNISHERS AMERICAN FOOTBALL
Kung ang soccer ay may Azkals, at ang rugby ay may Volcanoes, ang Pilipinas ay may pambato rin sa larong American football - Ang Philippine Punishers. Kikilalanin ni Isabel Oli ang koponan na ito at aalamin kung bakit sila nahuhumaling sa banyagang larong ito. Makikita din sa Sports Pilipinas nitong Linggo: ULTRALIGHT FLYING SA BOHOL LEGENDARY AMERICAN BOXING COACH NA SI TERRY ‘BUBBA’ STOTTS: PUMUNTA SA PILIPINAS UPANG HANAPIN ANG SUSUNOD NA PACQUIAO Lahat nang 'yan, mapapanood sa Sports Pilipinas ngayong Linggo, January 27, 2013, 11:15 ng umaga sa GMA News TV