ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

One-on-One with Alvin Patrimonio


Alvin Patrimonio of the Purefoods TJ Hotdogs is one of the most well-loved basketball players in the country. Holding several PBA records such as six championships, third most points scored (15,091), most consecutive games played (596), and four MVP awards (tied with Ramon Fernandez), and having represented the country in several international tourneys has also made him one of the most celebrated players of his time. But more than the stats and his talent, he is also known for his character and his “actions speak louder than words” attitude.
 
In a rare and exclusive interview with “Sports Pilipinas” host Chino Trinidad, “The Captain” shares his thoughts on his PBA career, the importance of character, family, and the current roster of players in the PBA.

 

On unfinished business in the PBA and his retirement
 
Chino Trinidad [CT]: Natapos ‘yung PBA career mo. Noong sumara ‘yon, mayroon ka pa bang unfinished business? Parang feeling mo meron ka pang hindi mo na-achieve sa ganda ng career ng isang Alvin Patrimonio, noong sinara mo na yung career mo sa PBA? ‘Yung playing career ha. Sa tingin mo mayroon ka pang hindi natapos noon?
 
Alvin Patrimonio [AP]:  Noong panahon, noong dati pa, team first ang nasa puso ko parati. ‘Yung team first. Siguro kasi parang six championships na napanalunan ng Purefoods…
 
CT: Parang bitin ka pa?
 
AP: Parang. Walang grand slam. Most of the time, dalawang conference lang kami minsan nagfa-finals tapos ‘yung isang conference, out kami or eliminated. So ano lang, na-miss ko lang ‘yung mga ganoong sitwasyon.
 
CT: Parang kumbaga ‘yung koleksyon mo ng titles, on a team, kasi syempre laro pa rin ito ng team ‘no, parang doon ka pa nagkulang, pero individually, tingin mo nagawa mo na lahat noong nandoon ka sa PBA? Naibuhos mo lahat? ‘Di ba kasi minsan tapos na ‘yung career mo, babalik ka tapos parang magkukuwenta ka, dapat ginawa ko ‘to, dapat nilapit ko... Mayroon pa bang ganoon o wala na?
 
AP: Siyempre ‘yung goal ko din, ‘yung age na mag-stop ako, siyempre gusto ko din magaya ‘yung favorite players ko eh. Si Mon (Fernandez) nag-twenty years sa PBA, si senator, coach Jawo…
 
CT: Ay sobra ‘yung mga ‘yon. ‘Yung mga lolo namin talagang sinagad-sagad eh. Noong time na ‘yon, ano pa ang kulang mo?
 
AP: Iba na, iba na kasi ‘yung naging game noon. Masyado nang, iba na ‘yung technology, masyado nang malalakas ‘yung mga player, mas mabibilis, so siguro…
 
CT: Nakatulong ‘yon... Pero ang bigat din sa’yo, kasi ang laro mo dati kumbaga bump and grind eh. Ang buhay ni Patrimonio dati, titira ka sa labas pero most, siguro 80 porsiyento ng bakbakan noon nasa ilalim eh. Hindi naman ikaw ang pinaka malaki pero ‘yung craftiness nandoon. ‘Yung bigat ng mga bumabayo sayo dati, ‘yun ang tingin mo nakapagpaikli ng career mo?
 
AP: Yes, yes, yes. Talagang malalakas na talaga ang players that time kaya sabi ko... And marami na ring injuries na lumalabas sa akin.
 
CT: Kasi tahimik eh ‘no? Noong nagpaalam ka, parang hindi namin naramdaman, parang nag-walk away ka lang silently from the game. Kasi ang bigat noong ano eh, ang Alvin Patrimonio noon, ‘pag sinabi mong Alvin Patrimonio, next to Sonny Jaworski, ‘yun ‘yung pangalan na, ‘di ba noong nawala si senador sabi natin masisira ang PBA, but you carried sa shoulders mo, sa kasikatan, sa pagsunod ng tao, sa passion mo sa game. ‘Yun sa Alvin Patrimonio eh, nagkaroon ng continuity eh. Kumbaga parang sinambot mo ‘yung pagkawala ng Sonny Jaworski, pero ‘yun, you had to pay the price.
 
AP: That time kasi marami nang masakit sa akin. Infact, ‘yung na-break na nga ‘yung streak ko, ‘yung consecutive games, 596, sabi ko “Ito na ‘yun.” Ito na, naglalabasan na ‘yung parang wear and tear.
 
CT: Ano ‘yung sa’yo? Tuhod ba?
 
AP: No, mga muscles, pulled muscles, ganoon ang mga injuries ko noon. Tapos marami naag mga pilyo, dinagdag na sa training.
 
 
On handling controversy
 
CT: Ang bigat ng pinagdaanan ng isang Alvin Patrimonio, pero ang isang hindi ko makakalimutan, ikaw ang player na hindi naman napalayo sa intriga, sa problema, personal life, lahat, dumaan ka diyan eh. Kung ano ‘yung pinagdadaanan ng karamihan sa mga players natin, ‘wag na tayong lumayo, ‘yung player mo ngayon dito na si James, nagdadaaan din sya dito sa ganitong klaseng situations eh. Sabi nga nila, hindi iba ‘yung era niyo, hindi! ‘Yung era niyo mahirap ‘yon, mahe-headline ‘yung pangalan, ikaw na nga nagsabi, imagine nasa headline ‘yung pangalan mo. Gaano kabigat ‘yun para sa isang basketball player na ang dapat iniisip is what he does inside the basketball court?
 
AP: ‘Yun talaga, ang papasok sayo, “Team first, win at all costs.” Parang ganoon ‘yung naging attitude ko noon. Tinreat ko ‘yun as very positive. Talagang pagdating sa court ipapakita ko, i-prove ko na mali ‘yung…
 
CT: Grabe ‘yun kasi headline grabbing eh. Alvin Patrimonio, clean ka, tapos bigla mong lalabasan ng ganitong storya. Tsaka ‘yun, nakakawasak talaga ng character. Pero nakahanap ka ng outlet?
 
AP: Sa game ko nalang. Kasi andoon na eh, lumabas na ‘yung negative sa’yo so might as well dalhin mo as a positive inside the court. ‘Yun naman ‘yung talagang passion mo, mahal mo na gawin, and gratitude din.
 
 
On being a team manager
 
CT: Ngayon na nasa ibang role ka, apart from being a player, ‘di ba ang gagawin mo ngayon ay ima-manage ang team. ‘Yun bang mga experience na ‘yon ay puwede mo i-share sa mga kagaya ni James na nagdadaan sa napakabigat na pagsubok ngayon?
 
AP: Parati ko lang binabanggit sa kanila na, basta think positive. It’s all in the mind. Dapat ibigay mo rin sa sport ‘yung best mo pa rin kasi ‘yan naman ang nagdala sa’yo sa success. At the end of the day, ‘yung best mo naman ang tinitingnan sa’yo eh.
 
 
On family and the passing of his father
 
CT: Parang diyan mo ine-express kung ano ‘yung nasasa loob mo. Pero hindi lahat ng tao gaya ng Alvin Patrimonio siguro na binless ng puso na, ‘di ba, iba ‘yung support group mo, ‘di ba gaya ng sinasabi ko sa’yo kanina bago tayo magstart. Mula kay mama mo, kay Papa Angel mo, sa mga kapatid mo, talagang iba ‘yung support group na ‘yun. Gaano kaimportante sayo now looking back, kasi ngayon ikaw na ‘yung nasa puntong ito, thinking back, gaano kaimportante sa’yo na you had a solid support group sa pamilya mo?
 
AP: My family siyempre, ‘yan naman talaga ang second priority natin sa buhay eh, una ang Panginoon siyempre. But talaga kung hindi sa parents ko, ‘yung mga natutunan ko, ‘yung attitude na tinuro nila sa akin, baka iba ‘yung Alvin Patrimonio. But sila talaga ang nag-hone sa akin. ‘Yung makita ko lang sila na there sa games ko, ‘yun malaking boost na sa akin.
 
CT: Maalala ko, ito may magic ito, naalala ko noong nagsisimula siyang maglaro, mayroon siyang medyas na naalala ko pinalalabhan mo kada gamit. Hindi puwedeng papalitan niya ‘yung medyas na ‘yon. Kung ano ‘yung medyas na pinang-practice niya, ‘yun din ‘yung gagamitin niya sa laro at malungkot siya ‘pag ‘di niya nagagamit di ba? ‘Yung mga ganung klase at ‘yung mga istorya na ito, untold stories of an Alvin Patrimonio, pero ‘yung naalala ko nung nagbo-broadcast pa ako ng PBA, mayroong isang time na bumilib ako sa strength of character mo. ‘Yun ‘yung time na nag pass-on na si Papa Angel. Naalala ko yun eh, nagwa-warm up ka, lumapit ako sayo, sabi ko, “Okay ka lang ba?" Sabi mo, “Okay lang ako. Gagawin ko ‘to para sa dad ko.” 
 
Gaano kabigat sa’yo na pagdaanan ‘to? Kasi ‘yung loss, walang makakapag-prepare sa’yo sa pagkawala, sa hindi lang ordinaryong nagmamahal, pero ito ‘yung nag-mentor sa’yo, ito ‘yung naghatid sa’yo kasama sina mama. ‘Pag babalikan mo ‘yun, paano ka nag-survive sa punto na ‘yun ng career mo?
 
AP: Every time, dine-dedicate ko na lang ‘yung game ko para sa dad ko. Siyempre na-miss ko siya nang sobra. Parang ano, siyempre sa kanya rin ako tumapang maglaro. Every time na nandoon siya, talagang kahit na tirahin ako, masaktan ako, ‘pag nakikita ko siya, iba pa rin, iba pa rin. Isa siya sa nagbibigay sa akin ng strength. Noong nawala siya, ‘yun, mas dumoble ‘yung challenge sa akin. Hindi lang naman as a basketball player, sa pamilya na rin, responsibility mo as the eldest son.
 
CT: Kasi napakahirap noon. Lalo kami, knowing na nabigyan ng opportunity to get up close and personal, kung gaano ‘yung time na inii-spend sa’yo ni Papa Angel noong araw. Pero after that, mabigat ‘yun para sa’yo pero you gathered strength. ‘Yun ‘yung nakakatuwa sa’yo as Alvin Patrimonio eh. ‘Yung strength mo iba eh, ‘yung lakas na ipinapakita mo sa loob ng court is the same strength of character na mayroon ka. Saan lahat ‘yon nanggagaling?
 
AP: Siyempre sa training na binigay ng dad ko sa akin nagpapasalamat ako doon. Talagang ano naman eh, parang pinasa niya na lang ‘yung torch sa’kin noong nawala siya. Alam niya na gagampanan ko ‘yun, ‘yung responsibility na ‘yon.
 
CT: Tsaka sabi nga nila, walang makakapag-predict ng time na magmo-move on tayo pero si Papa Angel, noong ginawa niya ‘yon, when he had to move on, alam niya na kaya mo nang tumayo so to speak, sa sarili mong paa.
 
AP: Ready na ako to become the head of the family.
 
 
On being the highest paid player of his time
 
CT: Ito ang ano, si Alvin Patrimonio noong panahon na naglalaro ito, ito ang talagang unheard of, siya ‘yung nagbigay ng forefront sa mga players na talagang highest paid. Imagine-in niyo, ‘yung kaniyang sweldo, inofferan siya ng 25 million pesos. Cap, unheard of ‘yun! 1991, grabe ‘yun, talagang laglag ‘yung panga namin, 25 million. Pero ‘yung time nga na ‘yun, lahat ng pera na ‘yun, sabi nga nila, si Alvin Patrimonio, sa bawat sentimo, sa bawat piso na ibabayad mo sa kaniya, sulit. Ang bigat na responsibilidad sa’yo, Cap, noong ihain sa’yo ‘yung kontrata. Buti hindi nasira ‘yung laro mo?
 
AP: At first, siyempre ‘yung pressure andodoon, but na-realize ko naman na minatch ‘yung offer. ‘Yung offer ng Pepsi, minatch ng Purefoods kasi alam ko na may tiwala sa akin ang team. So ‘yun lang. Ang ginawa ko lang, minaster ko lang ‘yung ibang skills ko para mas lalong multi-dimentional ‘yung game ko, hindi lang sa scoring, ganoon. And siyempre, ‘yung importante doon, leadership. Man of few words nga ako eh, basta para sa akin, sa action.
 
CT: Mayroon kang maituturo sa amin eh, sa generation na ito na parang, ang perception is lahat, Pera pera na lang para sa isang tulad mo. Na mahal na mahal pa ang pera. 'Yung 25 million unheard of, pero it never spoiled an Alvin Patrimonio. In fact, lalo ka pang nagwala sa loob ng court eh. Saan nanggaling ‘yung strength na ‘yun na hindi ka magpapahinga on what you already have or what has (been) given (to) you? Ano ‘yung nag-fuel sa’yo?
 
AP: Siyempre, nahihiya nga rin kasi sobrang laki nga, na ako ‘yung nag-start noon.
 
CT: Itong generation na ito, parang ang tingin nila it’s all about money. "Ano ang kikitain ko? Magkano ang bonus ko?” Noong panahon mo, ang pera nandiyan, imagine mo, maximum, magkano kinikita ng Alvin Patrimonio noong araw? Nasa panaginip lang namin, nasa kaniya (ang) pinakamagandang bahay, but it never spoiled an Alvin Patrimonio. Katunayan mas tumalim pa ‘yung laro mo eh, noong binigay sa’yo ‘yung kontrata. ‘Yung iba kasi magre-relax na eh. Si Alvin Patrimonio lalong nagpakita ng kakaibang laro when he was given that.
 
AP: Siyempre unang una, nahihiya ako sa management. Kailangan ipakita ko inside and outside the court na deserving ako doon sa amount na ‘yu. Kahit day in, day out binubuhos ko lahat para wala lang masabi ang management, fans, at ‘yung organization, na ‘yung binayad sa akin, talagang sulit.
 
CT: Pero ‘yung sa punto na ‘yun Cap, doon ka lalong napalapit, sa tingin ko ha, ‘pag babalikan ko ‘yung career mo, doon mas lalong dumami ang paghanga sa’yo, kasi hindi ka ini-spoil ng success, hindi ka ini-spoil ng pera, hindi ka ini-spoil ng fame that you had. Hindi. Lahat talagang dumadagsa sa’yo eh, ‘yun ang turning point ng isang Alvin Patrimonio.
 
AP: Hindi lang kasi sa pera, it’s for the love of the game and passion. Tsaka thankful ka kasi nga na-bless ka ng this kind of success.
 
CT: Kasi pinagtrabahuhan mo. ‘Di ba sabi nga ng Diyos, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Nasa atin, ginawa mo naman lahat eh.
 
AP: Follow the rules siyempre, finollow ko ‘yung rules ng team, ng coaches. Thankful ako talaga dahil nasuportahan tayo ng lahat.
 
 
On playing through pain and having an attitude of gratitude
 
CT: Kasi noong naglalaro ka... Si Alvin Patrimonio, ngayon buti madaldal na ‘yan. Dati ‘pag in-interview mo ‘yan, mahaba pa ‘yung tanong niya sa sasagutin niya. Pero ngayon, ibang iba. Siyempre as time goes on, nage-evolve tayo as persons. Nakita mo dati, leader by example ka, kaya nga ang tawag sa’yo “Captain Braveheart” eh, “Captain Lionheart,” lahat yan, “Captain Courageous” lahat. Dahil kung ano ‘yung pinakikita mo sa loob, ‘di mo iniinda ‘yung mga sakit mo to the point na ‘yun na din ‘yung naging undoing mo. Kasi hindi naman sa nakalimutan mo pero talagang ‘yun ka eh ‘di ba? ‘Yun si Alvin Patrimonio, kung anong magde-define sa’yo, walang such a thing as playing hurt ‘di ba?
 
Ngayon nasa punto ka ngayon manager ka, ikaw ang nagpapatakbo ng team. Alam mo kung papaano ‘yung pain eh, alam mo kung papaano mag-endure ng pain, alam mo kung ano ‘yung pain na puwede mong i-ignore and play. Sa mga players ngayon, nakikita mo na minsan masakit lang ngipin, may headache, hindi lalaro. Ano ang dumadaan sa isipan at puso ng isang basketball great tulad ni Alvin Patrimonio?
 
AP: Sa akin kasi, it’s all in the mind parati. Iniisip ko parati na kahit may pain diyan...
 
CT: Playing through pain, playing through pain ka. Papaano ngayon na ikaw ‘yung nasa punto na ito?
 
Itong mga players na nakikita natin ngayon, noong ikaw, hindi mo iniinda eh. Yelo lang, tape tape lang, laban na naman si Alvin Patrimonio. Sa mga players ngayon parang mayroong perception na kaunting pain, ayaw na nila maglaro.
 
AP: Sa akin kasi, kuwan ano, na-bless ako with a healthy body, strong body, plus siyempre ‘yung pag-aalaga nandiyan. Tsaka siyempre attitude of gratitude din sa binigay sa’yo na blessing ng management, ng mga fans ng PBA, so talagang ano eh, ‘yung responsibility talaga, ayokong ma-miss ‘yun eh, to give it back to the group, to the ano, to the organization.
 
CT: Saka sa Diyos. First time ko narinig ‘yung such a thing as attitude of gratitude. Para sa akin ‘yun napakahalaga. Alam ko hindi madali ituro ito, pero ‘yung utang na loob tinuro sa atin ‘yan. Pero ‘yung attitude of gratitude na sinabi mo, maituturo ba ‘yan sa generation ng players natin ngayon?
 
AP: Keep on reminding lang sila na this is for ano... Papasalamat sa talent na mayroon kayo ngayon, dapat ginagamit niyo, mina-maximize niyo, tapos management, sa family niyo, sa fans... ‘Yun lang, constant reminder sa mga players.

 
On playing with heart
 
CT: Alam mo, at the end of the day Cap, ‘yung talent mo sa paglalaro is relative, sususkatin sa character ng puso at isip ano? 
 
AP: ‘Yun naman ang… winning is not only talent eh, attitude talaga ang magdadala sa’yo sa, para manalo ka sa buhay.
 
CT: Saka Cap, ikaw ang nagsabi, sa’yo manggagaling, apat na MVP’s, anim na championship, ilang national team. Ang character ng isang tao, hindi nasusukat sa dami ng panalo. Para sa isang Alvin Patrimonio, ano ang tunay na panukatan ng isang tao?
 
AP: Heart. Kung gaano kalaki ‘yung puso mo, be humble, and talagang from the heart talaga kung paano ka magtrabaho. From the heart.
 
 
On his playing style and moves
 
CT: Bago kami magpaalam nito, ito mayroon ito kung tawagin ng aming walang kamatayang si papa Mon, papa Mon Fernandez yung (inaudible) ng kilos. Ano ang kilos ng Alvin Patrimonio, nabilang mo ba kung ilan ang nai-score mong points? Halos trenta mil yata ang ini-score nito, pero mayroon siyang isang move na, bakit nga ba walang kumokopya ng moves ng Alvin Patrimonio? Ano ba ‘yung sikreto mo? Nasaan?
 
AP: Noong college ako, tinuro ito ng cleric director namin, si Amang Lopez na you have to dribble low, matataas ‘yung bumabantay sa’yo eh. You have to dribble low, tapos gamitan mo ng paa, kumbaga tapos counter moves, kunwari (sa isang side) mo kukunin pero (sa kabila) pala.
 
 
On God’s plans for his future

CT: Nakakatuwa sa‘yo no, itong encounter natin na ito. Kung sabihin kong naganap itong conversation natin ten years ago, sasabihin ko sa’yo na ibang iba ‘yung Alvin Patrimonio na nakikita ko. Hindi sa, alam mo naman noong naglalaro ka diyan, wala namang taong hindi napabilib sa’yo. Ngayon natapos na ‘yung playing career mo at nag-step ka sa panibagong challenge ng buhay mo, na stitching itong generation na ito. One, the attitude of gratitude, puso, ‘yung kahalagahan ng support group, ‘yung family, ‘yung pagbibigay ng best always, andoon eh. Ikaw ‘yung nagre-represent niyan. Pakiramdam mo ba mayroong ibang challenge ang Diyos na inilalatag sa’yo na, oo tapos na si Alvin Patrimonio sa paglalaro niya actively, pero feeling mo ba mayroon siyang inihahanda para sa’yo na next challenge para sa buhay ng isang Alvin Patrimonio?
 
AP: Yes, kasi na-bless tayo ng magandang talent na ginamit ko naman to the max. Gusto ko naman mai-share sana sa mga players ‘yung good attitude para mas lalo silang maging successful, not only in playing the game, pero sa buhay. Marami ‘yan eh, nandiyan ‘yung you don’t complain, never complain, don’t blame others, extra work, saka siyempre ‘yung relationship, very important ‘yun eh, para mas lalong maganda ‘yung magiging resulta, not only in winning games and championships, pero winning souls, tapos ‘yung mabigyan mo ng impact, this generation.
 
CT: Kung may lalapit sa Alvin Patrimonio na superstar ngayon, sikat ngayon. “Cap, turo mo naman sa akin ‘yung simpleng basketball.” Mayroon ka bang time to do that? 
 
AP: Of course, yes. ‘Yun ang legacy na gusto kong iiwan. Mapasa sa mga next generation, ang aming skills.
 
CT: Cap, ang dulo, ang basketball is not all about talent and skills. Ano siya?
 
AP: Dagdagan mo lang ng good attitudes, ang magiging resulta noon is either maraming panalong games or championships, pero tinuturo talaga ‘yun para sa buhay mo rin ‘yun.
 
CT: Basketball is simply a platform. Dito sa Sports Pilipinas, isang malaking karangalan na makasama ang Alvin Patrimonio. One of the best ever, hindi lang basketball player pero isang tunay na tao, isang tunay na kaibigan. Cap, maraming salamat.