ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Chieffy Caligdong: Willing ako mag-share sa ibang henerasyon (ng mga natutunan ko)


Despite the abundance of handsome Fil-foreigners on the roster of the Philippine national football team, a born and raised Filipino Azkal stands out — the 30-year-old team captain and Barotac Nuevo native Emelio “Chieffy” Caligdong. The senior Chieffy is one of the most reliable strikers of the team.

During his interview with “Sports Pilipinas” host Chino Trinidad, he shared why he has dedicated half of his life to the sport he loves despite the dismal state of Philippine football when he first started playing. He also shared that he is looking forward to sharing what he learned to the younger generation.

Chieffy said he came to love the sport because of his older brother who passed away at the age of 22. In the interview, he shared how that has remained his inspiration until now.



Read the full interview below.


On his skills and dedication to football

Chino Trinidad (CT): Kapag football ang pag-uusapan, ito ang tunay. Ito si Emelio “Chieffy” Caligdong. Ang skills mo, Chieffy, inborn, tingin mo?

Chieffy Caligdong (CC): Hindi naman siya inborn. Kumbaga, na-influence lang din ng family. Brother, ‘yung dalawang kapatid ko na lalaki, football players din. Siyempre doon sa Iloilo, ‘pag punta mo sa school, madadaanan mo ang football field, pag-uwi mo madadaanan mo ang field. Kumbaga maiimpluwensya na maglaro ng football.

CT: Ano ba ang pinanganakan ng football? Itong journey mo ng football, ano, ito ‘yung talagang pinili mo siya, ibinigay ba niya sa ’yo ang hinahanap mo? Lahat ba ‘yung ine-expect mo na ibinigay mo sa football maibabalik sayo? Nakamit mo?

CC: Dedication. ‘Yung hard work na tinatawag. Kasi mas maganda kung mayroong dedication ka sa paglalaro. ‘Yung pagpupursige mo sa paglalaro. May target ka, may goal ka sa buhay mo. So ‘yun, ang hanap ko talaga na masundan ko ang kapatid ko. ‘Yung yumao ko na kapatid, ‘yun ‘yung sinusundan ko talaga. So ako, nacha-challenge. So every time na pumupunta siya sa practice, sumasabay ako. (May) technique na nakukuha ko, paano siya sumipa. (‘Yung) gagawin niyang skills, sinusundan ko. Ina-apply ko din.

CT: Ang bola bawal hawakan eh, pero kapag ikaw ang naglalaro parang may kamay eh. Napakahirap sa atleta, lalu na kapag matagal na, may na-achieve ka na, pero paano mo mino-motivate ang sarili mo na kahit sa late stage ng career mo, mataas pa din ang play mo?

CC: Para sa akin, every time na bibigyan ako ng pagkakataon na makapasok sa field, mabigyan ng chance makapaglaro sa ganitong level, kahit na may nararamdaman minsan, sa isip ko kasi paano ako makakapagbigay o contribute para sa team. Kung halimbawa ganito na ‘yung naabot ko, tapos mag-step back ako or mag-relax relax ka na kasi tapos na ‘yung nagawa ko, pangit tignan eh. Pinapakita ko sa kanila palagi na ganito na ‘yung naabot ko, pero ‘pag binigyan pa din ako ng chance na makapaglaro ng ganitong level, bubuhos ko pa din.


On the improvement of football in the Philippines

CT: Nagdaan ka sa doon sa katatawanan ng Pilipinas as far as football is concerned at dumating sa latest rankings natin nasa 143 na tayo, na-overtake na natin ang Hong Kong. Samantalang dati hindi nga tayo nare-rate.

CC: Napakasaya ng pakiramdam na dati pagdating sa competition sa ibang bansa, “Ay, Pilipinas.” Parang iniisip na nila papunta pa lang tayo, zero points na. Parang sa kanila non-bearing game na agad eh. Pero ngayon, ‘pag sinabing Pilipinas, kahit home court na nila, parang natatakot na sila sa atin. Kasi iba na ‘yung noon, iba rin ‘yung ngayon.

CT: Sa tingin mo itong nangyayaring ito magtatagal?

CC: Oo naman. Lalu na ‘yung halos lahat ng mga schools, universities interested, sa probinsya, lalong dumadami ang local talents, and potential players na lumilipat dito sa Pilipinas para maglaro.

CT: ‘Yung experience mo sa Azkals, kung babalikan mo ‘no, noong sumama ako sa inyo...

CC: ‘Yun kasi ‘yung ano eh, parang break ng team. ‘Yun last chance ‘yun para makapasok sa semi finals pero hindi naman... Kung titignan natin sa first game against Laos, makikita mo naman na team effort na mabigyan ng history ang Pilipinas kapag kalaban (ang) Vietnam. Kapag hindi natin nakuha ang Vietnam, walang mangyayari sa atin eh, pero kung natalo sila, malaking kawalan sa kanila, malaking karangalan para sa atin. Manalo, matalo, mag-draw, ‘yung sa amin, ‘yung kung paano mabigyan ng karangalan ang bansa. Hindi lang naglalaro para makilala kami.


On the rise of football’s popularity in the Philippines



CT: Noong makita mo ‘yung reaksyon na pinagkakaguluhan kayo, dinudumog kayo ng mga kababaihan, kalalakihan, bata, matanda, na-imagine mo ba na lalaki siya ng ganyan?

CC: Naisip ko na, kasi isang dekada na noong naglalaro ako ng football since lumipat na ako dito sa Maynila noong pumasok ako sa Air Force. Sabi ko, balang araw makikilala din ang football. Kung bibitawan natin ito, hindi tayo makikilala, mawawala ‘yung football.  So kung ico-continue natin ito at may support sa Philippine Football Association, ‘yun nagkataon na dumating ‘yung time na nagkaroon ng support kaunti. Para sa akin, kahit late na para sa akin na sa age ko na ganito... Kumbaga ‘yung tiwala ko sa sarili ko, hindi pa pala ako tapos, hindi pa pala ako matanda.

CT: Kumbaga masasabi mo na ang biglang pagsikat ng football, in-extend pa niya ang career mo.

CC: Hindi lahat will be forever. Talagang dadating ‘yung time na magsasara na ang tour of duty mo.


On the heckling in Hong Kong

CT: Ang koponan ng Philippine Azkals ay kagagaling lang sa Hong Kong. Dapat friendly match. Friendly ba ang tawag doon?

CC: ‘Pag start na, before ng game, so dumadami ‘yung crowd, dumadami ang supporters ng Azkals. Hindi namin alam na ganoon katindi ang crowd doon. Kasi first time maglaro ng team, na maglaro sa hometown ng kalaban, sa Hong Kong. From the start pa lang, magtugtog ang national anthem natin, doon pa lang malalaman mo na ‘yung respeto napakababa.
 

CT: Noong nakita mo ang team na ganoon, sabi mo nga alam mo ang kahalagahan ng respeto eh, nadama mo ‘yun, narinig mo at nakita mo ‘yung reaksyon ng Hong Kong nationals, ano’ng unang pumasok sa isip mo?
 

CC: Iba ‘yung treatment sa team sa kahit na nandoon siguro ‘yung mga domestic helper sa Hong Kong. Parang doon palang makikita ‘yung respeto napakababa eh. Napakalungkot na ganoon ‘yung pagtrato sa atin doon. Kahit man lang sana ‘yung pagtugtog ng national anthem doon magrespeto sila.
 

CT: Pero paano na-maintain ang focus? Papaano?
 

CC: Parang hindi na namin iniisp ‘yun doon kasi kung iisipin namin, kung magpapaapekto pa sa team... Lahat sinasabi kahit hindi namin sila maintindihan, hindi namin iniisip ‘yung ganoong klase ng ganoon. Mas marami pa nga ‘yung crowd na nilaruan natin dati, hindi tayo na-intimidate. After ng game, nang nanalo tayo, ‘yung ginawa nila sa amin, parang wala lang. Laro lang ‘yan eh. Normal. Kung hindi naman... Importante ‘yung winning sa paglalaro, (pero) may isang mananalo, may isang matatalo. Pero sa kanila iba eh, parang ayaw nilang tumanggap ng talo kaya ganoon ang tangap nila.
 

CT: Iba ‘yung verbal abuse, nasa sports naman tayo pare-pareho, pero iba ‘yung physical abuse. ‘Yung babatuhin.
 

CC: Lalo na may natamaan na bata doon sa pagbato nila ng water bottle sa crowd ng Pilipinas, so parang ‘yung mga guards, ‘yung mga security, parang wala lang. ‘Pag nakuha namin ito ngayong gabi, wala nang bukas.

CT: ‘Yun na ang pinakamasarap na higanti.

CC: Tama. Tama, ‘yun na ang pinakamasarap na higanti, kung ano pang gagawin ninyo sa amin, ‘yun lang ang time na makabawi tayo eh. ‘Paglabas namin sa Hong Kong, pagbalik namin sa Pilipinas, 1-0 is 1-0 eh.

CT: Nanalo na kayo, nanatili pa ang integridad ninyo sa Pilipinas. Hindi ninyo ibinaba ang uri natin.


Chieffy’s journey as a football player

CT: Ang journey mo as a football player, kumpleto na ba?

CC: Oo naman. Una ‘yung pangarap ko maging isang team captain ng national team, so ‘yun ang unang pinaka-goal ko. Pangalawa ‘yung hindi lang pangalan ko ‘yung dinadala, ‘yung sinasabi ko nga, ‘yung contribution ko sa team. Paano ako tularan na inspirasyon ng kabataan. Para sa akin, masaya na ako na naabot ko ‘yung ganitong level tapos nakapagbigay karangalan sa atin.


On coaching



CC: Kung anong natutunan ko sa national team, ‘yung disiplina na natutunan ko, so willing akong mag-share sa ibang henerasyon.

CT: ‘Yung pagmamahal sa bayan, naituturo ba iyon?

CC: Oo naman. Kung hindi mo i-address sa susunod na generation, so parang iisipin nila na hindi vina-value ‘yung love for country, ‘yung pride and honor na tinatawag. Laban kung laban, patay kung patay.

CT: Karamihan ng coaches, ang ituturo, skills. Pero bibihira ang nagtuturo ng values sa mga coaches. ‘Yun ang dadalhin mo dito. ‘Yun ang contribution mo.

CC: ‘Yung football, hindi lang naglalaro ka, kundi lahat. Disiplina, tiwala, ‘yung respeto sa bawat isa…

CT: Sana sa mga susunod na Azkals, ito ang sundan ninyo, kasi ito ang tunay eh. Chieffy, ito ang tunay na small but terrible. Salamat!


-Grace Gaddi, GMA News