ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Japeth Aguilar: 'Ibibigay ko ang lahat lahat (sa Ginebra)'


Japeth Aguilar is considered one of the most talented players in Philippine basketball today. However, many criticized his constant transfer from one league to another. At one point he even tried out for the NBA Development League. Some even call him overly ambitious. However, Japeth says he’s just looking for more challenging competition as a way of making himself an even better all-around player.

Now that he has signed with Barangay Ginebra, new challenges are waiting for him, and basketball-crazy Filipinos are waiting to see just how much Japeth has evolved as a player. “Sports Pilipinas” host Chino Trinidad caught up with Aguilar to talk about this new chapter in the basketball star’s life, the pressure of his fans’ great expectations, and the value of having a great support system in his family.

Read the full interview below.
 




On high expectations from basketball fans

 

Chino Trinidad (CT): Japeth, ito, diretsuhan na kwentuhan. Pero ang sa akin, parang sinisilip ko, kung titignan ko ang career mo, dahil sa tangkad mo, ganoon din kataas ang expectation ng mga tao sa iyo. Pakiramdam mo ba ganun?

Japeth Aguilar (JA): Tingin ko, kumbaga sa... ‘yun nga, ‘yung nangyari sa career ko, napunta ako sa magagandang program na school tulad ng Ateneo. Tapos, nakapag-division one ako. Tapos, national team. Tingin ko, talagang magiging mataas ang expectations ng mga tao.

CT: Pero ikaw, siyempre diba, nag-set ka ng standard para sa sarili mo, sa point ng career mo na ito. Naabot mo ba, o nagawa mo na iyong gusto mong gawin?

JA: Hindi pa po. Hindi pa kasi feeling ko, hindi ko pa talaga napapakita ‘yung parang full potential kaya nagsisikap talaga ako na maging consistent sa laro ko. Kung ano pa ‘yung kailangan kong gawin, kung ano kailangan kong idagdag para lalo pang mag-improve.

CT: Pero mabigat din sa career mo. Siyempre ‘yung iba para ma-achieve yan, kailangan may tinatawag na permanence. Eh ikaw talagang always on-the-go ‘yung naglaro ka sa Ateneo, and then the next naglaro ka sa University of Kentucky. Pumunta ka dito. Nag-national team ka. Talagang kung titingan mo, sa span ng ... siguro sa span ng pitong taon, parang nilibot mo na ‘yung buong mundo and then back, paulit-ulit. Mahirap ba ‘yung ganoon ‘yung parang gusto mong may marating, nakaka-establish ka na, then magmo-move ka na naman. Gaano kabigat sa career mo ‘yon?

JA: Tingin ko, ‘yun nga ho. Medyo kasi ho, ako ever since na bata pa ho ako, nagse-search po ako sa parang challenge, parang higher competition, parang ganoon ho. So hindi pa ho ako masyadong nakakapag-perform dito sa liga na ito parang...

CT: Lilipat na naman.

JA: Lilipat na naman po. So, pero ‘yung ano po diyan, marami po akong natututunan. Tsaka ‘yung nangyari ho dahil ho sa training ko rin sa US, marami rin ho akong ... Sa tingin ko, hindi ako ‘yung pagiging ... ‘Yung laro ko ngayon hindi magiging ganoon kung hindi ako nag-travel.

CT: Oo, malaking ... Kasi ang travel, sabi nila, is one of the best teachers. ‘Yung experience na ‘yan, nakakapagturo sa’yo ng napakalaking bagay.




On his move to Barangay Ginebra

CT: Ito, move ka na naman. Kakatapos lang ng isang conference and then you move again. Pero itong team na ito, naghahanap ng isang katulad mo eh. Naghahanap ng ... Nakita mo naman ‘yung nangyari sa kanila last time no? In search sila ng fire power, in search sila ng height, ng size, ng athleticism, lahat ng ‘yon. Kumabaga, sa lalagyan, ikaw ang pupuno noon? Nakakaramdam ka ng pressure sa ganoong situation? Coming into Ginebra?

JA: Alam ko ‘yung pressure na...

CT: Ito na naman ‘yung expectations diba, pasok na naman tayo diyan.

JA: So, tingin ko siguro, kailangan ko talagang harapin ‘yon. Tapos ‘yun nga, probably don't step down on the pressure na, ibibigay sa akin. Tingin ko, I have to take it as a ... you know, kasi medyo nasa point na rin ako ng career ko na papunta na ako sa maturity stage eh no.

CT: Alam mo maganda ‘yung ano mo ah, at least ikaw, nare-realize mo na may mga stages eh. And ikaw na nga ang nagsasabi, maturity is something that you achieve. Hindi mo kasi mamamadali ‘yan eh. Kumabaga sa ano, maraming nagturo sa’yo na it comes with time, it comes with ‘yung ibinubuhos mo sa kanya na dedication no. Dito sa pagpasok na dalawa kasi eh, hati ang ... Hindi naman hati ang puso mo, pero basketball pareho, at parehong nagde-demand sa’yo ng napakataas na performance. Of course, ang national team dahil sa laki mo, ikaw ‘yung legit na big man diyan. ‘Yung athleticism mo, ine-expect nila, ikaw ‘yung magbibigay sa kanila ng added punch, added spunk. Sa Ginebra, ganoon din ‘yan. Sabi mo kanina, hindi ka magse-step back from a challenge. Eh kumbaga sa ano, lalamunin mo ‘yan. Eh pero what do you do para ... kasi madaling sabihin pero minsan mahirap gawin diba?

JA: ‘Yun nga, siguro it comes with preparation. Kasi if you fail to prepare, para kang ano eh, expect mo na ano eh, failed talaga. Failed talaga pagdating mo sa laro. Pero I think kung talagang pinaghandaan mo, pagdating sa laro, ano ka, I think more ready. Like, physically or mentally, ganoon, magiging ready ka sa laro.




On having a great support system in his family

CT: Maihahanda mo ang sarili mo, gusto kong tignan ‘yung aspect ng ano, ng parents mo eh. Parehas kong kilala mommy at daddy mo, lalo ‘yung tatay mo, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na i-cover ‘yung mga games niya. At isa sa mga mababait na naging napakamatulungin ng daddy mo sa career mo noong ako naman nag-start, gaano kalaking bagay ‘yung mayroon kang isang dad at isang mommy na binabalanse ‘yung career mo?

JA: Napakalaking bagay na ano, na pinagdaanan din ng papa ko ‘yung paglalaro ng basketball. ‘Yun nga lang, unfortunately, ‘di ko sila, sa career ko, hindi ko sila nakakasama. Kumbaga, through the phone lang talaga lahat.

CT: Gaano kabigat? Masarap ‘yung physically nandiyan. Ikaw alam mong nandiyan sila, but may distance eh. Papaano ka nakakapag-cope sa ganoon?

JA: Ano rin, through the years, looking back, talaga parang naisip ko na ‘yung mga ibang ano... Makikita mo ‘yung ibang basketball players na, I mean, ‘yung parang second generation players, nakikita ko nandoon ‘yung mga tatay nila na nakakanood sila ng game, game nila ... Kasi ‘yung tatay ko ano eh, talagang through DVDs lang talaga and before, buti ngayon may ...

CT: May streaming na, ‘di ba?

JA: Buti ngayon may (inaudible) so nakakapanood na siya. So tingin ko, kung kasama ko pa sila dito, mas lalo akong ano, mas lalo akong maga-guide.

CT: Oo, kasi minsan tinitignan ko, malaking bagay ‘yung nandoon. Sabi mo nga ‘yung physical presence nga nila. Pero, ikaw, ‘yung challenge na ‘yon, sabi mo kanina sa akin ‘di ba?

JA: Ano, the more kailangan maging self-disciplined.

CT: Ang bigat eh no? Kasi gina-guide. Alam mo bang isa sa mga sabi nila, pinakamahirap gawin sa buhay ay yung dinidisiplina mo ‘yung sarili mo ng walang nakatingin. Kasi ganoon ang nangyayari sa iyo, you're basically on your own.

JA: Basta hindi lang ho talaga ano, on the court. Off the court rin po talaga. So magde-decide ka talaga kung ano gusto mong gawin. Kung gusto mo bang lumabas kasama ng friends mo or just stay home. Parang ganoon, wala ‘yung...

CT: Namimiss mo ‘yung ano...

JA: Parang ‘yun talaga, ‘yung desisyon talagang nasa sa’yo.

CT: Mabigat ‘yan Jap no, kasi decision-making. Pero slowly, you're becoming your own man. Kumbaga itong mga ganitong situations imbes na hinaing ka, I think it strengthens you, ‘di ba? ‘Yun ba ‘yung pakiramdam mo, na itong sitwasyon na ‘yung mom and dad mo, ‘yung parents, malayu-layong distansya? Parang ano ba ‘yon, part ba of the whole process ‘yan?

JA: Or talagang earlier in my career, sila ho, until now, sila ho ang motivation ko. Naglalaro ako, sila ang iniisip ko. Ginagawa ko ito para, hindi lang sa sarili ko, pero para sa family ko rin.




On looking for challenges beyond his comfort zone

CT: Japeth, ‘yung competition, ‘yung iba lumalayo sa competition, natatakot. Ikaw, sinusugod mo ‘yung competition. Nasa UAAP ka, next thing I knew, kinuha ka ng University of Kentucky. Sumubok ka lumaro ng NCAA, pagkatapos noon bumalik ka sa PBA. Natikman mo ‘yung competition, and then nag-national team ka pa. Nandito ka na, tinarget mo ‘yung NBA. ‘Yung iba sasabihin parang, “Itong batang ito, wala pang napapatunayan.” But actually may napatunayan ka na–na hindi ka natatakot sa competition. Saan ka kumkukuha ng kumpiyansa?

JA: Sa tingin ko sa ano, ‘yung thirst na gusto kong lalong mag-improve, ganoon. So gusto ko ‘yung mga ganoong klaseng competition kasi lalo akong may ... lalo akong natututo sa paglalaro ng basketball.

CT: Kasi ‘yung iba, sabi ko nga, ‘yung iba natatakot sa competition eh. Na mag-stay sila sa comfort zone nila. Ikaw?

JA: Gusto kong lumabas sa comfort zone.

CT: Iyon ang strength mo eh. Actually, sa iba, sasabihin weakness ‘yan. But I see it as a strength for you. Kasi ikaw hindi ka natatakot. ‘Yung iba, magtatago sa competition. Ikaw, (inaudible) mo siya.

JA: Kasi parang pinu-push mo ‘yung sarili mo eh. Parang hindi ka nagse-settle down sa, ‘yun nga, sa comfort zone mo. Parang pinu-push mo lalo ‘yung sarili mo para makapag-compete sa mga mas malalakas na players.

CT: Kung titignan mo ha, kung a-analyze natin ang career mo, ‘pag titignan mo lahat ‘yan, kung nag-start ka mag-UAAP, lahat naikot mo, national team, ‘yung NBA Development League, DBL nila, nakapag-PBA ka... ‘Pag titingan mo siya, bits and pieces, nandoon na lahat ‘yung ingredients. Nare-realize mo ba na it's a matter of ... kumbaga sa kusinero ibe-blend mo na lang?

JA: Yeah, tingin ko ano, it's a matter of time para sa akin. Kasi siguro hindi rin ako ‘yung tipo ng player na, kahit bata pa lang talagang parang ano na maglaro. Siguro para sa akin talaga ano, ‘yung maturity level ko, ano parang, parating pa lang sa tingin ko. Tsaka ‘yun nga, dahil kumabaga kung... Naisip ko rin kung noong nasa Ateneo ako, parang naging ano, parang naging one dimensional player ako. So tingin ko na nakatulong sa akin na pagpunta ko sa US, ‘yun nga, naging more of a ... Gusto ko kasi maging versatile player all-around.

CT: Kasi kung nandito ka, alam nila athletic ka, nakakalundag ka, puwede mong isalaksak ‘yung bola diyan anytime ‘di ba? Pero ‘pag inalis nila ‘yung comfort strength mo, ‘yun ang sinasabi mong strength mo. Pero nandoon eh, alam mo kulang mo. Confidence.

JA: Sa tingin ko, kailangan ko rin i-work out ‘yung confidence. Kasi medyo hard talaga ako sa sarili ko minsan.

CT: ‘Yun ang sinasabi ko kanina na sa umpisa eh, mabigat ‘yung expectation sa iyo being the tall guy that you are. Itong Pilipinas kasi, for the longest time, ang hinahanap nila isang matangkad, isang higante. Eh dumating. Parang ang bigat (inaudible), ganoon ba ang pakiramdam mo?

JA: Tapos ang mabigat pa rin...

CT: ‘Yung nilalagay nila sa sarili mo.

JA: Sa sarili ko. So medyo ako, mag-relax ng konti. Medyo sa laro, hindi masyadong...



On playing for the national team

CT: Oo, ngayon.. sabay ng lahat ng ito, ito na naman, panibago na naman. National team, mabigat ito. In a couple of month's time hahabulin n’yo, tatlong slots ng isang damukal na mga teams dito sa Asia. Hindi lang sa ’yo, pero sa team. Napakalaki ng expectations. Ikaw, ano ang nakikita mo na ibubuga, o ilalabas o ibibigay nitong Gilas Pilipinas sa gagawing FIBA Asia?

JA: Confident ako sa team. Lalo na sa teamates ko at sa coaching staff. Ginagawa namin pareho lahat ng makakaya namin, and sa ginagawa naming training ngayon, paghahanda sa FIBA Asia, talagang makaktulong talaga ‘pag kinalaban namin ang mga teams na nasa (inaudible).

CT: Ito ha, panghuli ko. Sa lahat ng pinuntahan mo, sa pagbiyahe mo ... Grabe biyahe mo ‘pag tinignan natin ang passport mo, siguro punung-puno na no? Sa bawat experience mo sa pinagdaanan mo, all of these experiences sabihin na natin say, 10 years sa basketball, kung mayroon kang isa na sasabihin mo na tunay na sprint na kakapitan ng isang katulad mo, na si Japeth Aguilar, kakapitan mo, ‘yun ‘yung panghahawakan mo at ‘yun ang sasandalan mo, kumbaga ito ang foundation ng game, ano ang tunay na foundation na mayroon ang pagkatao ni Japeth?

JA: Tingin ko ano, doon sa national team, tapos sa career ko, kung saan talaga ako marami akong natutunan, sa national team, sa Sta. Cruz Warriors...

CT: (Inaudible) Iyon ah, may (inaudible) España, pero gaano kalaki ‘yung sinasabi mo na national team? ‘Di ka naman... Kasi nasusundan ka namin pero noong nandoon ka, aiming for a shot at the NBA, ‘yung ano lang, sabi natin, objectively, gaano kalapit ka o gaano kalayo ka from achieving that dream, sa dream ng bawat Pilipino na mangyari sa ’yo?

JA: Well, noong umpisa, kailangan ko lang talaga ‘yung mapakita ‘yung (inaudible) practice, which is sa mga kasama kong players. Ano naman, okay naman. Talagang excited ako. Tapos ‘yun nga, noong may chance ako maging practice player, pero pinag-isipan ko na rin, kasi gusto ko na rin makita parents ko, makita ko sila, basta ‘yung income ko doon, nag-stop. So, it's like six months, na-pressure din ako kasi balak ko talaga i-extend ‘yung stay ko doon pero bandang huli, pinag-isipan ko talaga.




On the new chapter of his basketball career in Barangay Ginebra

CT: Napakaganda ng pagkakataon sa’yo, bubukas ang panibagong chapter, continuing journey and saga of Japeth Aguilar dito sa Ginebra. We-welcome-in ka ng pamilyang iyan, organization na iyan, (inaudible) and here you are, coming in. Nakita mo ba ang fans ng Ginebra kung gaano kaloko?

JA: Oo nga ho eh. Nakita ko ‘yung Araneta noon.

CT: Panahon pa ng tatay mo, ganoon na ‘yung mga ‘yon, hindi nagbago. Ano pa nga ata eh, mas tumitindi pa eh. Sigurado ako, iewe-welcome ka nila with open hearts. ‘Yan talaga sinisigurado ko sayo, iwe-welcome ka nila na part ng Barangay Ginebra. Ano ngayon ang ibibigay mo sa kanila pagsampa mo, paghawak mo, pagpasok mo sa unang-unang game mo para sa Ginebra?

JA: Ano, ibibigay ko ang lahat lahat talaga, as in. Alam mo ‘yung saying nila, “Never say die.” So gagawin ko talaga lahat ng makakaya ko para mapanalo.

CT: Actually, hindi mo alam ‘yon, nasa dugo mo ‘yon, dahil galing sa tatay mo, pinasa sa kanya ni Jaworski, nasa sa ’yo ‘yon, nasa loob mo. Parang kumbaga, sa journey mo na ito its a matter of realizing (inaudible) and what you want. ‘Yan ang journey ni Japeth. Ako, ang ano ko lang sa ’yo ah, kung mamarapatin, isa lang ang advice na maibibigay ko sa’yo, being an observer for the longest time. Let it just come to you, something na natutunan ko sa isang NBA legend, si Tim Hardaway, sabi niya, “Don't chase after (it). Let the game just come to you.” Para hindi ka nape-pressure. Subukan mong gawin ‘yon. Maniwala ka sa akin, you will be the player na nakikita ko sa loob. Huwag mong kakalimutan ah. Sabihin mo sa tatay mo at sa nanay mo...

JA: Thank you for inviting me here.

CT: Itong batang ito, ang tunay na istorya nito ay hindi ‘yung basketball pero ‘yung puso na mayroon siya. Puwede siya maging selfish, puwede siyang magbulakbol na lang... I-enjoy mo ‘yung buhay mo, but always family first, and for that ano man ang mangyari sa basketball career mo, saludo ako sa’yo.
 



-Grace Gaddi/PF, GMA News