ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Quadro Alas' and Dwight Howard on Sports Pilipinas


SPORTS PILIPINAS – October 27, 2013
SUNDAY, 11:15 AM (Pagkatapos ng NEWS TV ALL SPORTS)



QUADRO ALAS: JOHN RIEL CASIMERO
Sa baraha mahirap basagin ang kumbinasyon ng isang Quadro Alas --- Nababagay na palayaw  ito sa isa sa pinagmamalaking boksingero ng Pilipinas -- si John Riel Casimero! Ngayong Linggo, sislipin namin ang karera ni Johnriel at ang kanyang inaabangang laban kontra kay Felipe Salguero. Siya na nga ba ang susunod na kampeon sa ring para sa ating mga Pilipino?
 

 
TEAM LOGAN
Marami na tayong napanood na pelikula at nabasang mga storya tungkol sa kadakilaan sa larangan ng sports. At may isa kaming kwento na ibabahagi sa inyo na siguradong aantig sa inyong mga puso.
 Alamin natin ang kabayanihan ng mag-asawang si Craig at Michelle Logan – dalawang Amerikanong misyonaryong nakatira sa Pilipinas, at ang kanilang inampon na si Justin na may Cerbral Palsy. Sila ang Team Logan, at gusto nilang ipakita sa mundo na ang may kapinsanan ay kayang lumahok sa mga paligsahan kung may suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya.
 
ONE-ON-ONE: DWIGHT HOWARD
Maswerteng nakapanayam ni Chino Trinidad ang sentro ng Houston Rockets na si Dwight Howard. Ano kaya ang saloobin ng most hated basketball player ng Lakers fans at ngayon ay dependale  center ng rockets at inaasahan ng mga Rockets diehards?
 

 
Tags: prpost