ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Pen at Ping Medina, 'like father, like son' ba talaga?


PEN AT PING MEDINA: “LIKE FATHER, LIKE SON” BA TALAGA?
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: March 19, 2013



 
Ang ama, batikang aktor sa teatro, pelikula at telebisyon! Ang anak, nakagawa na rin ng sariling pangalan dahil sa “minana” at angking galing sa pag-a-artista!
 
Sina Pen Medina at anak na si Ping Medina, ngayon ay sanib-pwersa sa groundbreaking TV series na GMA News na “Bayan Ko" kung saan ang papel nila -- mag-amang tiwaling pulitko!
 
Sa kanilang pagbisita sa Tonight with Arnold Clavio, malalaman na natin kung ano pa ang ibang talento nilang bihirang ma-ipakita sa harap ng kamera.
 
Malalaman din kung paano nagsimula sa pag-arte si Pen, at kung ito rin ba ang landas na gustong tahakin ni Ping. Bilang isang acting coach sa mga baguhang artista, ano naman kaya ang masasabi ni Pen sa abilidad ng mga aktor ngayon?
 
Mapag-u-usapan din kung gaano kalambing sa isa’t-isa ang mag-amang tila laging seryoso!
 
Hindi rin sila makakaiwas na maka-jamming ni Igan! Isang John Lennon hit pa ang sama-sama nilang ihahandog sa atin.  
 
Isang masaya at makabuluhang kwentuhan na naman ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio ngayong Martes, March 19, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!