ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Gloc-9 at Denise: Dapat Tama' sa Tonight with Arnold Clavio


GLOC-9 at DENISE: DAPAT TAMA!
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: May 1, 2013



Isang tunay na makata - ganito inilarawan ng Master Rapper, ang yumaong Francis Magalona, si Aristotle Pollisco na mas kilala sa pangalang Gloc-9.

 

Ang angking galing ni Gloc-9 sa pagsulat at sa pag-rap, ginagamit niya hindi lamang para magbigay aliw sa mga tao kundi para buksan ang isipan ng mga mamamayan sa tunay na kalagayan ng bansa.
 


Sa Tonight with Arnold Clavio, muli niyang ipamamalas ang pambihirang talentong ito, harid ang isang mensaheng akma ngayong eleksyon: Dapat Tama!
 
Makakakwentuhan din ni igan Arnold Clavio si Denise Barbacena, dating “protégé” ni Gloc-9 at ngayo’y kasa-kasama niya sa mga gig at bagong proyekto.
 
Malalaman na kung saan sila kumukuha ng inspirasyon at kung ano ang kanilang mga saloobin ngayong palapit na nang palapit ang botohan.

Abangan ang masaya at makabuluhang kuwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio sa May 8, 2013, Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!
 
Para naman sa ilang behind the scenes pictures ng TWAC, i-like ang Facebook page ng Tonight with Arnold Clavio:
http://www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
 
I-follow din ang official Twitter account ng TWAC:
http://www.twitter.com/TWACofficial