ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

NU Pep Squad, nagpamalas ng kanilang gilas sa cheerdance


Tonight with Arnold Clavio
Airing Date: September 18, 2013




 
Ang kuwento ng kanilang tagumpay sa 2013 UAAP Cheerdance Competition, kahanga-hanga at talaga namang nagsilbing inspirasyon sa mga katulad daw nilang “underdog!”
 
Mula kasi sa pagiging kulelat sa mga nakaraang kompetisyon, nakamit sa kauna-unahang pagkakataon ng National University Bulldogs Pep Squad ang unang puwesto at tinalo nila ang mga beteranong koponan gaya ng mga kinatawan ng University of the Philippines.
 
Hindi lamang daw matinding ensayo at dedikasyon kundi malalim na pagdarasal ang naging puhunan ng team. Kitang-kita naman ito sa makalaglag-pangang stunts na ipinakita nila sa labanan.  
 
Kaya sama-sama nating kilalanin ang mga miyembro ng NU Pep Squad at muling mamangha sa kanilang galing at talento!
 
 
Masayang kwentuhan ang hatid ng TWAC ngayong MIyerkules, 10:30pm sa GMA News TV!
 
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!

At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio