ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Crime beat reporters na sina Oscar Oida, Emil Sumangil at Michael Fajatin sa 'TWAC'!

July 9. 2014
Wednesday ,10:15 pm
OSCAR, MICHAEL AT EMIL…REPORTING!
Makikilala na nang husto ang mga reporter na nagdadala ng pinakamaiinit at pinakamaaksyong balita!
Mula sa puwersa ng GMA News, sabay-sabay nating kilatisin ang matatapang at walang kinikilingang crime and police beat reporters na sina Oscar Oida, Michael Fajatin at Emil Sumangil!
Sa likod ng seryoso’t tila walang inuurungang imahe, sino nga ba ang mga kalalakihang ito? Sino sa kanilang tatlo ang mahilig sa musika at marunong mag-DJ? Sino sa kanila ang may bansag na “Supremo” at sino naman ang may girlfriend na nakilala sa coverage? Abangan ‘yan at iba pa!
Syempre, pag-uusapan din ang kanilang minamahal na propesyon. Ano ang nagbibigay sa kanila ng excitement sa tuwing lumalarga, bente kuwatro oras para maghanap ng istorya?
Isa na namang makabuluhan at masayang kuwentuhan (at pati na rin kantahan!) ang inyong masasaksihan sa Tonight with Arnold Clavio, ngayong Miyerkules, July 9, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.
Sumali sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
Tags: prstory
More Videos
Most Popular