ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Alvin Patrimonio at Benjie Paras, makikisaya sa 'TWAC'






WAYBACK WEDNESDAY WITH HARDCOURT LEGENDS
ALVIN PATRIMONIO AND BENJIE PARAS


Sino nga bang basketball fan ang hindi nakakakilala sa kanilang dalawa? Si Alvin Patrimonio, binansagang The Captain at four-time Most Valuable Player! Habang si Benjie Paras naman, rookie pa lang ay humataw na sa hardcourt: tinawag na Tower of Power at two-time Most Valuable Player!
 
Bukod sa gilas at lakas sa basketball, sikat na sikat din sila sa mundo ng showbiz! Ang isa, certifiied heartthrob samantalang ang isa, natural na  komedyante.

Sa Tonight with Arnold Clavio, tila walang nagbago?tahimik at magiliw pa rin si Alvin habang walang tigil na nagpatawa si Benjie. May ilang pambubuko pa nga ito sa kaibigan niyang si Alvin.

Malalaman na rin ang ilang eksklusibong balita tungkol sa dalawa. Ang isa sa kanila, may balak raw tumakbo sa pulitika. Ang isa naman, umaming naging pilyo rin siya pagdating sa pakikipagrelasyon noong kanyang kabataan.
 
Abangan ang masayang kwentuhan at kantahan kasama ang dalawang idolong basketbolista! Ngayong MIyerkules na sa Tonight with Arnold Clavio!

Sumali sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio