ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang pagbabalik ng grupong Hagibis, tampok sa 'TWAC'!




ANG PAGBABALIK NG “NANGGIGIGIL” NA HAGIBIS!
WEDNESDAYS, 10:15-11PM
GMA NEWS TV

 
Dekada na ang lumipas mula nang una silang bumungad sa Philippine music scene, at pinasaya nila ang maraming Pinoy sa kanilang mga awitin gaya ng “Katawan,” “Legs,” “Nanggigigil” at iba pa. Pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang tila alamat na kasikatan ng Hagibis!
 
Live na live na aawitin ng Hagibis, na binubuo nina Sonny Parsons, Mike Respall, Pete Gatela at Carlos Nabiula ang mga hits ng grupo na siguradong na-miss ng kanilang fans.
 
Kamusta na nga ba ang “kauna-unahang boy band sa Pilipinas” matapos ang mahaba nilang pamamahinga? Nasaan na ngayon ang ibang orihinal na miyembro nito? Malalaman na rin kung paano nga ba nabuong muli ang kanilang grupo.
 
Magkakabukuhan din ang Hagibis! Sino kaya sa kanila ang hanggang ngayon, matinik pa rin sa chicks?
 
Tutok na sa TWAC para malaman ang kasagutan at maki-jamming sa nag-iisang Hagibis!

Sali na sa masayang ukwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
Tags: prstory, hagibis