ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'TWAC' #WaybackWednesday presents: The Boyfriends!


TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Wednesday November 12, 10:15 pm
"THE BOYFRIENDS"





Dekada sitenta at otsenta nang una silang namayagpag at nakilala bilang the “Bee Gees of the Philippines!”
 
Ngayon ay nagbabalik ang The Boyfriends, ang grupong nagpasikat ng mga classic OPM hits gaya ng Bakit Labis Kitang Mahal, Dahil Mahal Kita, at Nais Kong Malaman!
 
Kung dati ay apat sila sa grupo, bakit sa kanilang pagbabalik sa Tonight with Arnold Clavio, dalawa na lang sila? Bukas-pusong ikukuwento ito nina Gary Arriola at Bob Guzman.
 
Malalaman na rin natin kung ano nga ba ang kanilang mga alaalang hindi malilimutan mula sa “Disco Era” ng Pilipinas! 
 
At ngayong usong-uso ang throwback at nagbabalik ang ningning ng nagdaang mga dekada, may balak na ba silang muling gumawa ng mga bagong kanta?
 
Tutok na ngayong Miyerkules dahil tiyak, masaya na naman ang kuwentuhan, at tugtugan!
 
I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook:www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio