ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hot momma na si Eula Valdes, bibisita sa 'TWAC'




HOT MOMMA, EULA!
Wednesday, November 19, 10:15 pm
 
Primera klaseng artista, “hot mama” at rock star pa – ‘ yan si Ms. Eula Valdes!
 
Mula sa katatapos lang na bayaniseryeng “Ilustrado,” sasalang siya sa hot seat ng Tonight with Arnold Clavio at ikukuwento ang natatanging pagganap niya bilang Donya Teodora Alonzo, ang ina ni Jose Rizal. Pero alam n’yo bang una siyang nakilala sa pelikula bilang isa sa cast ng 1980s iconic movie na “Bagets”?
 
Sa dami ng kanyang mga nakolektang acting awards, paano kaya niya napagbubuti ang sining ng pag-arte?Eksklusibong “acting lessons” ang kanyang ibibigay kay Igan, Arnold Clavio!
 
Ikukuwento rin ni Eula ang mga sikreto kung bakit seksing-seksi pa rin siya hanggang ngayon sa edad na 45!
 
Isang gabing pang-80s throwback ang mapapanood ngayong Miyerkules ng gabi kaya’t tutok na!
 
Makisama na sa masayang kuwentuhan online! I-follow kami sa Twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook:www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio