ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Robin Padilla at Dennis Padilla, magbubukuhan sa 'TWAC'




ROBIN PADILLA ON TWAC! (Part 2)
Wednesday December 10, 2014, 10:15 pm

Tuluy-tuloy ang masayang kuwentuhan kasama ang nag-iisang Robin Padilla!
 
Noong nakaraang Miyerkules, natuklasan natin ang kakaibang hilig o “passion” ni Robin sa history o kasaysayan na tila nagamit niya nang mabuti sa pagganap niya bilang Andres Bonifacio sa pelikulang “Bonifacio: Unang Pangulo”.
 
Marami rin siyang ibinahaging kuwento tungkol sa mapagmahal niyang asawang si Mariel na sinasamahan daw siya sa kanyang mga hilig gawin gaya ng martial arts.
 
Ngayong Miyerkules naman, makikilala na natin ang action star sa mata ng isa sa mga paboritong sidekick niya sa pelikula --- si Dennis Padilla!
 
Gaano nga ba sila kalapit sa isa’t isa? At ano ang mga sikretong handa nilang ibunyag tungkol sa kanilang mahabang pinagsamahan?
 
Ipapaliwanag nila kung anong ibig sabihin ng tinatawag nilang “code” pagdating sa panliligaw sa mga chicks!    
 
Sumali sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio