ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ilan sa cast ng sitcom na 'Kool Ka Lang,' may reunion sa 'TWAC'
“KOOL” LANG TAYO KASAMA SINA BROD PETE, LONG MEJIA AND MAUREEN LARRAZABAL!
MARCH 25, WEDNESDAY
10:15-11PM, GMA NEWS TV
Damang-dama na nga ang init ng panahon kaya’t inaanyayahan ang lahat na mag-“Kool” down muna ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio!
Tatlong kuwela at maku-“Kool”-lit na komedyante ang maghahatid ng katatawanan. Handa na ba kayong sumali sa “Kool”-to ng comedy nina Brod Pete, Long Mejia at Maureen Larrazabal, mga artistang nagkasama-sama noon sa Kapuso comedy sitcom na “Kool Ka Lang”?
Matatandaang hit na hit ang “Kool Ka Lang” mahigit sampung taon na ang nakalilipas, na pinagbidahan nina Raymart Santiago, Benjie Paras, Joey Marquez at marami pang iba. Bukod sa mga nasabing lead star, hindi maikakailang tumatak ang role nina Long, Brod at Maureen bilang Long, Clinton at Maina.

At sa kanilang pagbisita sa TWAC, napakaraming alaala ang kanilang binalikan! Sino sa cast ng “Kool ka Lang” ang hinimatay daw nang maging guest ang kanyang dating asawa? Sino naman sa kanila ang nagkaroon ng gusto sa isa’t-isa? At sino sa kanila ang lagi raw nangungutang?
At lumipas man ang maraming taon, buhay na buhay pa rin ang ka-Koolitan nilang tatlo! Sa challenge na hango sa “I Object” ng Eat Bulaga, mapapatunayan ang kanilang husay sa paglikha at pagpapatawa! Pati si igan, mapapasabak! Magkakaalaman na rin ng kuwentong buhay nilang tatlo sa game na, ‘Nasubukan Mo Na Ba?’
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook:www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
More Videos
Most Popular