ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Boobay at Ana Feleo, makikigulo sa baby shower ni Marian Rivera sa 'TWAC'
MARIAN RIVERA AND FRIENDS!
JUNE 24, 2015, WEDNESDAY
10:15-11PM, GMA NEWS TV
Ngayong Miyerkules, walang patid na katatawanan ang mapapanood sa ikalawang bahagi ng espesyal na pagbisita sa TWAC ng soon-to-be-mommy na si Marian Rivera!
Apat na taon na nga ang lumipas mula nang huling makapanayam ni Igan ang Kapuso Primetime Queen at sinong mag-aakalang sa kanyang pagbabalik ay si misis na siya ng aktor na si Dingdong Dantes? Kaya naman noong Part 1 ay bukas puso niyang ikinuwento kay igan Arnold Clavio ang mga personal na bagay tungkol sa pagsasama nila ng kanyang mister.
At dahil limang buwan na nga siyang nagdadalantao, isang sorpresang baby shower ang inihanda ng TWAC para kay Marian. Lingid sa kanyang kaalaman, dadalo at may dalang regalo ang kilalang malapit na kaibigan niyang sina Boobay at Ana Feleo!


Hindi lamang regalo ang kanilang inihanda, kundi mga kuwento tungkol kay Marian na hindi pa alam ng kanyang fans! Ano nga ba ang nagpapainis kay Marian, at ano naman ang laging nagpapasaya sa kanya?
Masusubukan din ang lalim ng pagkakaibigan ng tatlong ito sa isang masayang game. Mapapasayaw din ang Kapuso Primetime Queen na mapapa- “Nae Nae” kasama nina Boobay at Ana!
I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC! I-like din ang aming instagram page! @TWACofficial. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming Facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio.
More Videos
Most Popular