ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Glaiza de Castro at Alden Richards, makiki-jamming kay Igan sa 'TWAC'
PABEBE AT JAMMING KASAMA SI ALDEN RICHARDS AT GLAIZA DE CASTRO!
Hindi yata pamilyar si igan Arnold Clavio sa konsepto ng “pabebe,” o ang pagiging “pa-cute”. Puwes, sino pa ba ang magpapaliwanag at magpapakita ng sample ng isang pabebe kundi ang tinaguriang “Pambansang Dimples” na si Alden Richards? Aba’y sa titig at ngiti pa lang ni Alden, baka sumuko na kaagad ang mga masusungit at mainitin ang ulo!
Pero kahit game na game si Alden sa mga kuwelang aktingan, hindi pa rin matatawaran ang galing niya sa drama. Marami na nga ang excited sa bago niyang pelikula kasama ang nag-iisang superstar, Nora Aunor!
Ikukuwento sa atin lahat ni Alden! At may bonus pa --- Jamming kasama ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro!
Leading lady, kontrabida, singer at record producer pa! Ilan lang ‘yan sa mahabang listahan ng mga maipagmamalaking kakayahan ng napaka-talented na si Glaiza de Castro. Pero tila wala siyang kapaguran dahil heto at siya mismo na nga mismo ang producer ng kanyang pinakabagong album. Ano kaya ang maaabangan natin sa kanyang bonggang “labor of love?”
Sa ngayon, gabi-gabi siyang napapanood katambal si Rhian Ramos sa kontrobersyal na teleseryeng “The Rich Man’s Daughter”. Tuwing Sabado naman, isa siyang vampire kontrabida sa “Vampire ang Daddy Ko”!
Pero ngayong Miyerkules, hahandugan niya tayo ng ilang sikat na love songs ka-jamming si Alden! Kaya’t tutok na at makilahok sa masayang kuwentuhan na may kasama pang kantahan ngayong Miyerkules ng gabi sa Tonight with Arnold Clavio!
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
More Videos
Most Popular