Mash-up, stand-up at tawanan pa more sa 'TWAC'
Sina Ate Gay, Petite at Iyah, makikigulo na sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules!



Si Ate Gay na kilalang-kilala sa pagiging impersonator ng mga sikat na artista gaya nina Nora Aunor, nagsimula bilang stand up comedian sa comedy bar. Ang talento niya sa pagpapatawa, naibahagi na rin niya sa marami nating kababayan na nasa ibang bansa.
Hinahangaan din siya ng ibang komedyante dahil sa tagumpay ng “sold out concert” noon sa Mall of Asia Arena, bagay na hindi pa napapantayan ng ibang stand up comedian. Pero ang pinaka-latest niyang paandar ngayon ---- ang “mash up” o pinaghalu-halong kanta na patok na patok sa internet.
At gaya ni Ate Gay, impersonator din si Iyah. Ang Kapusong si Iya Villania-Arellano ang kanyang madalas gayahin dahil kahawig daw niya ito. Pero kapag nagsalita na si Iyah, aba’y si Comedy King Dolphy na ang nagagaya nya.
Si Petite naman, na kahit hindi impersonator, may sariling style pagdating sa pagpapatawa. Mataray at sopistikada ang kanyang pag-asta, pero ang kanyang itsura, aba’y kayo na po ang humusga!
Ayon sa kanila, mas nanaisin pa raw nilang tawaging “stand up comedian” kaysa “sing along master.” Bakit nga kaya? Kilalanin pang mabuti ang mga personalidad na nagpapasaya sa atin, at humanda na sa walang hanggang tawanang ihahatid nila!

Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/