ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Komedyante at sing- along master na si Allan K, makikisaya sa 'TWAC'
_2015_10_05_19_35_51.jpg)
ANG “PAMBANSANG ILONG”, ALLAN K!
Pero hindi man daw matangos ang kanyang ilong at hindi man siya mestiso o guwapo, naging puhunan ni Allan K ang kanyang itsura at napakalaking talento sa komedya at pagkanta para maging matagumpay sa buhay. Mula sa isang payak na pamilya sa probinsya, nagsumikap si Allan bilang sing-along master sa Maynila. Dito na siya nakilala ng mga dabarkads mula sa Eat Bulaga at ika nga nila, "the rest is history."
Pero teka, siya nga ba ang 'promotor' ng tambalang ALDub, ang pinakamainit na loveteam ngayon na binubuo nina Alden Richards at Yaya Dub? Siya raw kasi ang unang nakahalatang tila naiilang si Yaya Dub kay Alden, kaya't tinukso na niya ito sa kalagitnaan ng programa. At ngayon nga, ang kanyang mga tili at tunay na kilig ang tila hinahanap-hanap ng 'Aldub Nation' sa tuwing magkakasama sa screen ang dalawa.
At dahil kapwa-Dabarkads, ilang eksklusibong impormasyon tungkol sa ALDub ang ibabahagi ni Allan, kaya't abangan kung ano ang kanyang ikukuwento!
Ilang surpresa rin ang inihanda ni igan para kay Allan, mula mismo sa isa sa mga tinutulungan nito. Marahil lingid sa kaalaman ng ilan, isang 'mentor' at 'discoverer' si Allan ng bagong talento pagdating sa larangan ng stand-up comedy. Kaya't para kilalanin ang kanyang kabaitan, may dumalaw ng palihim kay Allan - abangan kung sino!
Panoorin ang bukingan, kantahan at masayang kwentuhan kasama si Allan K, ngayong Miyerkules na!
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/
Tags: twac
More Videos
Most Popular