Nakakakilig na kuwentuhan kasama ang tambalang TomCar sa 'TWAC'

TOM RODRIGUEZ AND CARLA ABELLANA -REEL OR REAL LOVE?
Sa ikalawang bahagi ng espesyal na pagbisita ng Kapuso Sweetheart na si Carla Abellana, kasama na niya ang nagbabalik sa Tonight with Arnold Clavio na si Tom Rodriguez! Silang dalawa ang bida sa pelikulang 'No Boyfriend Since Birth' na kasalukuyang napapanood ngayon sa sinehan.
Mabubuko na kaya ni igan Arnold Clavio ang tunay na estado ng relasyon nina Carla at Tom? Bali-balita kasing may matamis silang pagtitinginan sa totoong buhay! Sa pamamagitan ng ilang nakatutuwang games, susubukan ni igan na mapaamin si Tom sa tunay nyang damdamin kay Carla! Game na game naman kayang sasagot ang dalawa?
Bukod dyan, masayang ikukwento rin ni Tom, na kasalukuyang bida sa Marimar bilang si Sergio Santibanez, kung ano pa ang kanyang mga adbokasiya at pinagkakaabalahan.
Tutok na sa TWAC! I-follow ang Tonight with Arnold sa Twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag #TomCarOnTWAC! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming Facebook page: facebook.com/tonightwitharnoldclavio