Arnie Ross, Max Collins at Jackie Rice, makikipagkulitan sa 'Tonight with Arnold Clavio'
ARNY ROSS, JACKIE RICE AND MAX COLLINS
_2016_04_27_15_11_55.jpg)
Kilala sila sa kanilang kagandahan at kaseksihan... at ‘di rin sila pahuhuli sa pagiging smart and funny!
Ang ilang dilag mula sa longest running gag show na Bubble Gang, na sina Arny Ross, Jackie Rice at Max Collins, mas makikilala natin ngayong Miyerkules ng gabi!
Bukod sa mga kwento tungkol sa kani-kanilang personal na buhay, ibabahagi rin nina Arny, Jackie at Max ang likas nilang pagiging kwela at bungisngis. At ‘yan ay sa pamamagitan ng pinakabagong segment ng TWAC na “Bentang-benta” – abangan!
At dahil malapit na ang eleksyon, masusukat din ang kanilang kaalaman at paninindigan sa ilang mainit na isyu sa ating lipunan.
Ilan lang 'yan sa mga dapat ninyong tutukan ngayong Miyekules sa Tonight with Arnold Clavio!
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC6!
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio