ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Divas vs. Comedians sa 'Tonight with Arnold Clavio'  


 

Pagdating sa kantahan, walang itulak-kabigin sa kanilang apat! Bawat isa sa kanila, may angking galing sa pagbirit at natatanging ganda ng boses. At ngayong Miyerkules, isang sagupaan ng Divas at Comedians ang inyong mapapanood!

Inihahandog ng Tonight With Arnold Clavio ang Divas – Soul Siren Nina at Pinoy Pop Superstar Grand Champion Maricris Garcia, at Comedians – EJ Salamante at “Dental Diva”, Cacai Bautista!

Kaninong panig kaya ang mananaig – ang Divas na hanep sa performance o mga Comedian na kwela pero abot na abot din ang matataas na nota? Anuman ang kalalabasan, tiyak, ang mga manonood ang panalo dahil isang gabing puno ng kantahan at tawanan ang maaasahan!

Huwag palalampasin ang kakaibang challenge na naghihintay kina Nina at EJ! Kaya kaya nilang bumirit habang nakahiga o hinihila-hila kunwari ng gwapo’t machong security guard? Samantalang sina Cacai at Maricris, papasa kaya sa gawaing bahay at sports habang kumakanta? Abangan ang lahat ng ‘yan sa Miyerkules!

Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWACBiritTawanan. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio