ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mommies na ayaw pakabog, magpapasaya sa 'Tonight With Arnold Clavio'


 

 

Mga mommy na ayaw pakabog ang makaka-kwentuhan natin sa sunod na episode ng Tonight with Arnold Clavio!

Pero bago yan, makiki-jamming muna tayo kasama ang newest Kapuso boy band na nagmula sa reality talent search na "To The Top" --- sina Miko Manguba, Mico Cruz, Louie Pedroso, Joshua Jacobe at Adrian Pascual o mas kilala bilang T.O.P.! Pakinggan ang kantang "Paggising" na mula sa kanilang top-selling, self-titled album.

Sunod ay humanda nang ma-inspire sa kwento ng hosts ng bagong programang “Mommy Manual” na sina Cheska Garcia-Kramer at Rica Peralejo-Bonifacio.

Alamin kung sila nga ba ay cool o strict sa kanilang mga anak. Ibabahagi rin ni Rica ang kwento kung bakit wala raw TV sa loob ng kanilang bahay! Si Cheska naman, may sasabihin tungkol sa pagpasok sa showbiz ng kanyang mga chikiting.

At sa "Nasubukan n'yo na ba"? Ile-level up natin ang challenge, dahil pati presyo ng bilihin sa palengke at pamasahe sa jeep, itatanong natin sa mga hot moms na ito!

At kung na-miss n'yo ang mala-anghel na tinig ni Rica, dito sa TWAC muli niyo siyang mapapakinggan. May bonus pang version ng kanta mula kay Cheska, na tiyak kukumpleto sa inyong gabi! At abangan din ang magiging reaksyon nila sa sorpresang mensahe mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Makilahok sa makabuluhan at masayang kwentuhan! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC6. At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio