ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Regalong katatawanan ni Igan, ngayong Disyembre sa 'Tonight with Arnold Clavio'



Ngayong buwan ng kapaskuhan, regalong puno ng katatawan ang handog ng Tonight with Arnold Clavio, mga igan! Habang abala ang lahat sa pagtatapos ng taong 2016, sagot na namin ang kwentuhang hindi lang riot kundi makabuluhan. Kaya naman hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi tatlong laugh trip na episode ang muli ninyong mapapanood ngayong Disyembre!


Una sa listahan ang sagupaan sa biritan ng mga Diva kontra Comedians! Sa Team Diva, mapapanganga kayo sa ganda ng tinig nina Soul Siren Nina at Pinoy Pop Superstar Grand Champion Maricris Garcia. Habang sa Team Comedians naman, sasakit ang tiyan ninyo sa katatawa habang pinapanood na kumanta sina Sleeping Diva EJ Salamante at Dental Diva Cacai Bautista!

Panoorin kung paano maglalaban ang Divas Versus Comedians sa pataasan ng boses! At para lalong mapasaya ang kanilang “friendly competition,” may kanya-kanya rin silang paandar na performance na siguradong ikatutuwa nating lahat. Siguradong mapapakanta at mapapatawa nila kayo mga igan!


Ikalawa naman sa listahan ang comedians na mapapanood sa Kapuso network, walang iba kundi sina Maey Bautista, Terry Gian at Divine! Sasalang sila sa nakakakilig at nakakatawang dating game kung saan isang guwapo at matipunong pageant titlist ang “searcher.” Sino ang mananaig? Ang “black beauty,” ang “huggable survivor” o sharp-witted comedian? Alamin kung sino sa kanilang tatlo ang magwawagi sa puso ng mystery searcher!


At panghuli sa listahan, ang mga naggagandahang dilag na kabilang sa longest-running gag show sa Pilipinas na Bubble Gang - walang iba kundi sina Max Collins, Arny Ross at Jackie Rice! Makisali na sa Ladies’ Night habang nagpapakitang gilas sila hindi lang sa pagandahan kundi sa galing magpatawa!

Masusubok din ang kanilang galing sa pag-se-sales talk sa game na “Bentang-benta.” Paano kaya nila ititinda ang bagay na hindi naman nila nakikita? Abangan!

Maging ang kanilang mga itinatagong talento dito lang unang madidiskubre. Pati si Igan hindi nagpahuli sa girls at nagpamalas din siya ng kanyang kakaibang skill. Ano kaya ito?

Marami pang kaabang-abang at nakakaaliw na eksena ang inyong matutunghayan mga igan ngayong Disyembre sa TWAC! I-follow ang twac sa twitter: @twacofficial at para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio