ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

"That's Entertainment" Reunion, mapapanood sa 8th Anniversary ng 'TWAC'


 


Mga Igan, 8 taon na ang masayang kwentuhan, tawanan at musika sa Tonight with Arnold Clavio!

At ang tema ng 8th anniversary episode ng TWAC - -- “Back to the 80s”!

At kung eighties lang din ang pag-uusapan, sinong hindi makakaalala sa youth oriented variety show na That’s Entertainment?

 


Kaya humanda nang mapuno ng tawanan at kwelang kwentuhan ang inyong Wednesday night kasama ang walo sa napakaraming artistang nag-graduate sa That's Entertainment --- Sina Ara Mina, Nadia Montenegro, Sharmaine Arnaiz, Donita Rose, Keempee De Leon, Chuckie Dreyfus, Jojo Alejar at Isko Moreno.

Aalamin muna natin kung ano ang latest happening sa buhay ng ating mga bisita. Matapos nito ay sabay-sabay na tayong magbalik-tanaw sa dekada otsenta na isa raw sa pinakamasaya at makulay na era pagdating sa music, fashion, TV at pop culture! 

 


Babalikan din natin kung paano sila nadiskubre sa showbiz pati ang kanilang memorable experiences bilang miyembro ng That's Entertainment noon.

 

Mapupuno naman ng musika ang larong mala-"Name That Tune" kung saan bilis at talas ng memorya ang magiging labanan ng Team Titas o Team Titos sa pag-alala ng mga 80’s hit songs.

 

Hindi rin makakaligtas sa tatak TWAC game na "Nasubukan mo na ba?" sina Isko, Ara, Jojo, Sharmaine, Chuckie, Keempee, Nadia at Donita.

At ang mga karanasang pag-uusapan sa segment na ito ay may kinalaman lahat sa pagiging batang 80’s.

Syempre, hindi makukumpleto ang mini-reunion ng mga bisita natin kung hindi siila magbibigay pugay sa ‘heart and soul’ ng That’s Entertainment --- ang nag-iisang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

 

 

Tags: arnoldclavio