ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang idol at ang kanyang fan, wagas na nagmahalan


Isang sikat na radio DJ at kanyang fan, parehong sawi sa pag-ibig, nagtagpo ang landas at naging magkaibigan.
 
Subalit ang matamis na “friendship” na ibinibigay ng binatang tagahanga, pag-ibig na pala sa tingin at pakiramdam ng dalagang hinahangaan!
 
Posible nga kayang ang tila “rebound” na pagtitinginan ay mauwi sa totoong pag-iibigan? Posible nga kayang ang idol at fan ay magkatuluyan?

Sa panulat ni Danzen Santos at direksyon ni Lem Lorca, alamin ang makulay na kuwento ng pag-ibig nina Emy Gaite Aka “Nicole Hyala” at Renly Tinana sa Wagas: Mga totoong kuwento ng pagibig.
 
Tampok sina Ms. Alessandra De Rossi sa papel na Emy at Mark Anthony Fernandez bilang Renly, abangan ito ngayong Sabado, February 23, 7pm sa GMA News TV.



Para sa karagdagang updates, sundan ang Wagas sa Facebook at Twitter.

Tags: plug