ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Itinadhana: The Rio dela Cruz and Nicole Wuthrich love story sa 'Wagas'

Isang “celebrity running coach” si Rio Dela Cruz ngayon. At kung gaano siya naghirap at nagtiyaga para maging champion at expert sa pagtakbo, ganun din pala siya nagtiis para sa pag-ibig ni Nicole!
Sa isang masukal na lugar unang nagkita sina Rio at Nicole. Tuluyan na sanang maliligaw ang trail runner na si Rio kung hindi niya nakita ang trekker na si Nicole. Si Nicole ang nagturo sa kanya ng tamang direksyon patungong finish line at Kung tutuusin, si Nicole ang dahilan kung bakit nanalo si Rio sa trail run na ‘yun.
Muling nagkita sa U.P. ang dalawa dahil sila pala ay magka-klase! ‘Di nagtagal, naging magkaibigan ang parehong sporty na sina Rio at Nicole.
Ang sunod sa kuwento -- paulit-ulit nang nanligaw at na-“basted” si Coach Rio. Pero matapos ang halos pitong taon, naabot din ni Rio ang pinakaaasam niyang finish line… kasama si Nicole!
Tampok sina Boy2 Quizon bilang si Rio Dela Cruz, at LJ Reyes bilang si Nicole Wutrich, abangan ang wagas na kuwento ng pag-ibig na ito sa unang Sabado ng Abril!
More Videos
Most Popular