ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kayamanan o tunay na pag-ibig?




Papayag ka bang magpakasal sa isang taong wala kang pagtingin, para lang sundin ang hiling at tuparin ang tungkulin mo sa iyong pamilya? O handa kang mabuhay sa kahirapan kapiling ang pinakamamahal mo?
 
Ito ang mga tanong at pagsubok na hinarap ni Jennifer Tan, isang babaeng lumaki sa maginhawang buhay at hindi sinasadyang umibig sa isang simpleng musikero -- si Edwin Lingapan.
 
Kasama ang mga bidang sina Ms. Chynna Ortleza, Kean Cipriano at Marc Acueza, sa panulat ni Danzen Santos at direksyon ni Adolf Alix, abangan ang makulay na kuwentong pag-ibig na ito sa WAGAS.
 
Tampok ang musika at espesyal na pagganap ng sikat na bandang Callalily, abangan ito sa April 13, 2013, 7 PM sa GMA News TV.

Para sa updates, sundan ang Wagas sa Facebook at Twitter.
Tags: plug