ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tamis ng unang pag-ibig: The Reynaldo and Vivian Manansala Love Story




Highschool classmates pa lang sila ay may natatangi nang paghanga si Reynaldo kay Vivian. Subalit naging lihim ang espesyal na pagtingin na ito dahil kaibigan ni Reynaldo ang nobyo ni Vivian noon.
 
Mahabang panahon ang lumipas at maraming pangyayari ang naganap sa kani-kanilang buhay, hanggang sa isang ‘di inaasahang pagkakataon ay muli silang nagtagpo.
 
Sa muling pagsasama nilang ito, si Reynaldo ay isa nang balo, samantalang si Vivian ay hiwalay na asawa, at ang masaklap sa lahathindi na siya nakakakita.

Ito na kaya ang pagkakataon para aminin ni Reynaldo ang damdamin niya kay Vivian? Iibigin pa rin kaya niya ang kanyang highschool crush kahit ito ay isa nang bulag?  

Tampok sina Louise Delos Reyes at Benjamin Alves, abangan ang kwento ng pag-ibig na magpapatunay sa ating ang pag-ibig na wagas, taon man ang lumipas ay hindi kumukupas!
Abangan ang Reynaldo and Vivian Manansala love story sa Wagas, ngayong Sabado, June 29, 7 PM sa GMA News TV.
Tags: plug