ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Wagas: Ikaw ang true love ko

Maswerte ang mga tao na kayang ipagmalaki na kasama na nila sa buhay ang maituturing nilang “soulmate.”
Ang film school graduate na si Rafaela Las, ‘di naisip na isang Amerikano ang makakatuluyan—ang independent movie director na si Dan Scotti.
Kung hindi dahil sa isang short film tungkol sa mga “zombie” ay hindi makikilala ni Dan si Rafaela dito sa Pilipinas.
Intern pa lang noon si Rafaela at inatasang magsilbing assistant ni Dan sa nasabing produksyon.
Madalas daw silang nagbangayan dahil sa nakaka-stress na proyekto pero humantong ang pagiging mag-partner nila sa trabaho sa totoong relasyon.
At nang dumating na ang oras para bumalik ni Dan sa U.S., hindi natinag ang dalawa. Kinaya ni Dan at Rafaela ang lahat ng pagsubok sa tinatawag na “long distance relationship” alang-alang sa kanilang once in a lifetime love!
Tampok sina Jennica Garcia at Fabio Ide, sa panulat ni Danzen Santos at direksyon ng 2013 Gawad Urian Best Director na si Adolf Alix Jr., abangan ang nakakikilig na kwento ng pag-ibig na ito sa Wagas: Mga totoong kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado, August 17, 7 PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular