ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Love me tomorrow: a student-teacher love story, tampok sa 'Wagas'

Namuong pag-ibig sa pagitan ng isang estudyante at guro—ito ang tampok na storya sa Wagas ngayong Sabado!
Normal lang sa mga mag-aaral na magkaroon ng “crush” sa kanilang titser subalit higit pa sa paghanga ang nadama ng third year transferee student na si Arnel Secerio sa History teacher niyang si Lolet Carangga. Na-inlove siya rito at itinuring na inspirasyon para maging mas mahusay pang estudyante.
Si Lolet naman, hindi rin daw basta-basta naisantabi ang atensyong binibigay ni Arnel. Humanga rin siya sa ka-seryosohan ng munting manliligaw na honor student at student leader. Subalit hindi niya inakalang darating ang oras na mahuhulog din ang loob niya sa mag-aaral na labindalawang taon ang agwat na edad sa kanya.
Paghihintay sa tamang panahon—ito ang naging tanging paraan para panatilihing buhay ang nararamdaman nila Arnel at Lolet. At tulad ng kanilang inaasahan, maaming pagsubok ang dumating na kalaunan naman ay nagpatunay lang na wagas ang kanilang pag-ibig.
Panoorin ang kabuoan ng kuwetong ito at magkaron ng pagunawa tungkol sa isang klase ng pag-ibig na realidad sa ating lipunan.
Tampok sa unang pagkakataon ang tambalang Jennylyn Mercado at Alden Richards, abangan ito sa October 19, 7 pm sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular