ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
The Jiggy and Marnie Manicad Love Story, tampok sa 'Wagas'
Bago pa nakilala nang personal ni Marnie si Jiggy ay sinusubaybayan at hinahangaan na niya ang mahusay na TV news reporter.Kaya’t nang makapasok si Marnie bilang staff ng news department ng GMA-7 ay ikinagalak niya ang oportunidad na makatrabaho si Jiggy.
Sa kabilang banda ay nagalak din naman ang broadcast journalist na makilala si Marnie. Stand out daw kase ang kagandahan nito sa loob ng news room.
Mula sa pagiging magkatrabaho lang ay unti-unting naging magka-“vibes” at magkaibigan sina Jiggy at Marnie.
Hanggang sa ang sabay nilang pag-be-break time para lang magkape ay naging bonding time na nila para magkwentuhan tungkol sa mga napaka-personal na bagay…
gaya na lang ng pareho nilang pagiging “taken” subalit hindi naman masaya sa piling ng kanilang ka-relasyon.
Tila nahanap ni Jiggy at Marnie sa isa’t-isa ang bagong dahilan para ngumiti, kiligin at maging ma masaya.
At nang dumating ang panahong pareho na silang malaya para umibig ng iba ay hindi na sila nagpakipot…Inamin na rin nila sa isa’t-isa ang tunay na nilalaman ng kanilang puso!
Tampok sina Rocco Nacino at Charee Pineda, abangan ang nakakatuwang kuwento ng pag-ibig na ito ng dalawang taong pagkakaibigan ang naging pundasyon sa kaniklang matamis at matibay na pagsasama.
Abangan ang Jiggy and Marnie Manicad Love Story sa Wagas ngayong Sabado, November 9, 7 PM sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular