ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Hahamakin ang Lahat: The John and Marivic Feruelo Love Story sa 'Wagas'

Pitong taong gulang lamang si Marivic noon nang makilala niya ang kapitbahay na si John, isang bente anyos na paralitiko.
Tinuring niyang parang kapatid si “Kuya John” kaya parati niya itong pinapasyalan para kuwentuhan ng kung ano-anong bagay tungkol sa kanyang eskwelahan. Nagpapatulong din si Marivic kay John sa kanyang homework, at madalas ay pinapagawa niya pa ito ng mga tula at love letter na siyang ibinibigay niya sa kanyang mga crush sa eskwela.
Subalit sa paglipas ng panahon, nang si Marivic ay unti-unting nagka-isip, napagtanto niyang minamahal niya ang kanyang “Kuya John” nang higit pa sa kapatid. Nais niyang ibigin at makasama habambuhay ang lalaking handang gawin ang lahat para sa kanya.
Tampok sina Isabel Oli at Yul Servo, handog ng Wagas ang isang kuwento ng pag-ibig ng dalawang taong may inosenteng puso at hindi sinasadyang magmahalan nang wagas.
Abangan ito ngayong Sabado, December 7, 7 PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular